FOOD THAT KILL SOFTLY

 :: General :: Tambayan

Page 2 of 2 Previous  1, 2

View previous topic View next topic Go down

FOOD THAT KILL SOFTLY

Post by kurdaps! on Sun Jan 11, 2009 11:24 pm

First topic message reminder :

TAYONG mga Pinoy ay mahilig sa mga pagkaing hindi healthy sa ating katawan. Tinatawag natin na "PAMPABATA" dahil di na tayo aabutin ng katandaan pag kumain tayo lagi nito. Ano ba ang mga ito? Mag-umpisa tayo sa numero 10 papunta sa numero 1, ang pinakamasama sa lahat.

10. Soft drinks : Naku, guilty ka diyan, 'di ba? Ang isang basong soft drinks ay may 7 kutsaritang asukal. Kaya grabe ang tamis. Nakatataba at masama ito sa mga diabetiko. Mag-ingat din sa diet soft drinks, dahil may halo itong phosphorous. Ang phosphorous ay nagtatanggal ng calcium sa ating katawan at puwedeng maging dahilan ng osteoporosis. Kaibigan, tubig na lang!

9. French fries : Mataba at mamantika ang French fries. Ito ang sinisisi nang maraming eksperto kung bakit dumarami ang taong may sakit sa puso at mataas ang kolesterol.

8. Matatabang sarsa tulad ng gravy, mayonnaise at butter.. Tadtad iyan ng calories. Mas mainam pa ang suka, calamansi o hot sauce bilang sawsawan.

7. Alak : May mga pasyenteng nagsasabi na ang red wine ay mabuti sa puso. Kapag tinanong ko kung gaano karami ang iniinom, ang sagot ay, "Doc, minsan, nauubos ko ang isang bote." Masama po ang alak sa ating kalusugan. Masisira ang ating atay, ugat at utak. Nakapag-dudulot din nang maraming kanser.

6. Junk food : Nakaka-addict ang mga sitsirya, corniks at potato chips. Ito'y dahil may halong vetsin at asin. Wala po itong silbi sa katawan. Turuan natin ang ating mga anak na iwasan ito.

5. Hilaw na karne o isda : Sari-saring bulate ang nakatago sa mga hilaw na karne, tulad ng kilawin na isda o steak na may dugo pa at ginagawa minsang pulutan. Siguraduhing luto ang inyong kinakain. Tandaan, hindi namamatay ang mga bulate sa suka o calamansi.

4. Street food : Ayon sa pagsusuri, 70 percent ng mga Pinoy ay may bulate sa tiyan. Kapag hindi naghugas ang mga street vendors ng kamay, puwede itong lumipat sa ating pagkain.. Mahirap masiguro ang kalinisan ng mga fish ball, queck-queck at taho. Minsan, nakakita ako ng isang magtataho na gumamit ng kanyang tuwalya para tanggalin ang sobrang tubig sa kanyang taho. Huwag makipagsapalaran!

3. Laman loob : Ewan ko ba kung bakit nahiligan ng mga Pinoy ang pagkain ng utak, puso, bato at bitu­ka. Sobrang taas iyan sa uric acid at kolesterol. May mga eksperto ang nagsa­sabi na nagdudulot din iyan ng kanser.

2. Chicharon at chicha­ron bulaklak : Sabi ng kaibigan ko, "Balat lang na­man ang gusto ko eh, hindi naman taba..." "Eh saan ba nagtatago ang taba," sabi ko. "Sinawsaw ko naman sa suka," hirit pa niya. Kaibi­gan, taba pa rin iyan. Mag-popcorn ka na lang.

1. Lechon : Ang pabo­rito ng lahat, ang lechon, crispy pata at pata tim. Ang taba ng baboy ang sadyang nakapagpapabara ng ugat sa puso at utak. Ang resul­ta? Istrok at atake sa puso. Kaibigan, tikim-tikim lang.

Gulay at isda lang talaga ang masustansya para sa inyo. Sorry po kung nasak­tan ko ang inyong dam­da­min, pero iyan po ang bu­ong katotohanan. Ingat lang para ang life natin ay hindi maging too short and remember the song "Killing Me Softly!"

_________________
Happy moments:PRAISE GOD. Difficult  moments:SEEK GOD.
Quiet moments:WORSHIP GOD. Painful moments:TRUST GOD.
Every moment:THANK  GOD.

avatar
kurdaps!
Super Moderator
Super Moderator

Number of posts : 5059
Age : 39
Location : aan-dxb-aan
Registration date : 18/09/2008

View user profile http://www.sherwinboston.com

Back to top Go down


Re: FOOD THAT KILL SOFTLY

Post by mammoo_03 on Tue Aug 02, 2011 3:20 am

thanks for sharing sir sherwin, god bless...

mammoo_03
The Exhibitioner
The Exhibitioner

Number of posts : 2417
Registration date : 20/09/2008

View user profile http://www.coroflot.com/archmlcm

Back to top Go down

Re: FOOD THAT KILL SOFTLY

Post by ninong on Tue Aug 02, 2011 3:26 am

salamat sir.
avatar
ninong
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 675
Age : 39
Location : San Pablo City, Laguna, Singapore
Registration date : 26/12/2008

View user profile http://www.gilbertcpenaflor.webs.com

Back to top Go down

Re: FOOD THAT KILL SOFTLY

Post by juv21 on Tue Aug 02, 2011 4:22 am

naku,ayus itong message na ito ah...salamat dito sir and godbless,, buttrock
avatar
juv21
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1051
Age : 26
Location : pangasinan,manila
Registration date : 05/11/2010

View user profile http://219400686.multiply.com

Back to top Go down

Re: FOOD THAT KILL SOFTLY

Post by aesonck on Tue Aug 02, 2011 4:37 am

tsk! ahh! Mad . 10 and 7 na naman ngayun...
avatar
aesonck
CGP Expert
CGP Expert

Number of posts : 2448
Age : 37
Location : Philippines. La Trinidad-Visayas
Registration date : 13/07/2010

View user profile

Back to top Go down

Re: FOOD THAT KILL SOFTLY

Post by Alapaap on Tue Aug 02, 2011 4:51 am

Ang sarap naman talagang lapain yan o lantakin sabay inom tapos yosi wow solve,lalo na may okasyon at ang tropa nandyan o mga kamaganak,sabay sabay na lahat ng bawal tirahin enjoy life,kaso pag dinadalaw na tayo sa hospital ng pamilya natin at ang bill nagka patong patong na sa utang sa tagal na naka -confine,pinahihirapan sa kirot na nararamdaman halos di na tumatalab ang gamot.. nagkaron pa ng komplikasyon sa ibang piyesa ng katawan..

Sa tapat ng bahay namin kapag may masasarap na pagkain bubuksan ang mga bintana at pati pinto (tanaw mo ang mga pagkain dahil malapit lang).Masarap siya kasi magluto din at lahat ng potahe alam niya,..kaso dumating yun panahon 2 yrs ago,dumaing siya at labas pasok na sa hospital,at napag pasyahan nila na wag ng dalhin sa hospital dahil naubosan na ng panggastos kaya sa bahay na lang.halos isang buwan gamot gamot na lang,then 2 weeks di na tumatalab,sumusigaw siya sa sakit(tumatagos ang kirot daw hangang sa buto), kahit madaling araw maririnig mo,hanggang sa bawian siya ng buhay.Ang kaibigan ko si Joel di niya lam ang gagawin kasi mas nahihirapan siya na nakikitang ganoon ang nanay niya..ayon sa doktor nila dahil nga sa pagkain ang naging dahilan,mahilig din sa maalat.mula sa bato tumakbo sa puso at sa huli sa baga niya.

Ok lang sana at siguro nakahanda na siya at alam niya san siya hahantong,tinitiis na lang ang kirot at dinadaan sa sigaw..pero paano naman pamilya niya mas hirap na hirap ang kalooban nakikita siyang ganun..ako sa akin di ko kaya na makita silang napipighati,tapos iiwanan ko pa sila ng utang,mga naipon naubos,binenta na lahat maduktongan lang ang buhay..pero wala rin ...pag tigok na wala ng hirap kaya lang pano yun iiwanan natin masaya kaya sila..

Mahal natin pamilya natin,dibale tayo makakapagtiis pero yun mga anak natin at asawa ayaw natin silang mahirapan at mapirwsyo,at kung may magulang pa na buhay ,tyak dama din sila.

Paalala lang naman ni sir Kurdaping to nagmamalasakit,teka baka nag pa general check up ka na bossing kaya ka nabigyan ng ganitong info..hehe kailangan naman yan,di namn ibig sabihin may sakit ka na at matanda ka na pag may regular na patingin.Kotse nga natin may maintenance ,ito pa kayang katawan natin..salamat ulit sir

avatar
Alapaap
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 897
Age : 81
Location : Rataq
Registration date : 20/10/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: FOOD THAT KILL SOFTLY

Post by jerahmeel2002 on Tue Aug 02, 2011 5:01 am

Napapahon at nakaka relate ito sa atin, kasi linya ng trabaho natin eh nagpupuyat para makahabol sa deadline ng artwork, tapos samahan pa ng side line at unhealthy foods at bisyo. Thanks for the reminder master! Very Happy
avatar
jerahmeel2002
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 37
Age : 42
Location : Bahrain
Registration date : 17/10/2009

View user profile http://www.wix.com/5mendoza/jerrymendoza

Back to top Go down

Re: FOOD THAT KILL SOFTLY

Post by jerahmeel2002 on Tue Aug 02, 2011 5:24 am

markitekdesign wrote: kung mamatay ako dahil sa mga pagkain nato okay lang kasi nakakain ako ng masasarap. namatay ako nakatikim ng masasarap. kaysa buong buhay ko pinipigilan ko ang curiosity ko na ano kaya ang lasa nun? masarap kaya talaga? mahaba nga buhay mo kaso since masyado kang nag iingat sa kinakain mo eh di mo nadin naeenjoy. sa isang ilang beses ka kumakain? makakaya bang kumain ng gulay at isda ng 4 o 5 beses sa isang araw? ok lang mamatay ng dahan-dahan kesa mamatay ka ng biglaan at hindi mo nakain yang mga yan,ang buhay ng tao ay hindi nadadaan sa kung anong kinakain mo araw-araw,aslong as masaya ka. .Enjoy life

IMHO okay lang tumikim, basta wag abusuhin. Kailangan din ng katawan natin paminsan minsan at mag enjoy, as you said. Pero siyempre we have to love our self and our body.
avatar
jerahmeel2002
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 37
Age : 42
Location : Bahrain
Registration date : 17/10/2009

View user profile http://www.wix.com/5mendoza/jerrymendoza

Back to top Go down

Re: FOOD THAT KILL SOFTLY

Post by markitekdesign on Wed Aug 03, 2011 1:06 am

sabi nga lagi,to much is dangerous,,,
avatar
markitekdesign
Revit Master
Revit Master

Number of posts : 2398
Age : 36
Location : Ortigas,Shinjuku-ku Tokyo,E.Samar
Registration date : 23/06/2009

View user profile https://www.facebook.com/pages/MarkitekDesign/206738446066181

Back to top Go down

Re: FOOD THAT KILL SOFTLY

Post by i3dness on Wed Aug 03, 2011 4:58 am

Tama kayo sir Kurdaps! tikim tikm na lang... twice a month pwede pa ring kumain ng Lechon diba Lol.
avatar
i3dness
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 781
Age : 43
Location : Asias Latin City /Dubai
Registration date : 11/11/2008

View user profile http://www.ismaeldd30.carbonmade.com

Back to top Go down

Re: FOOD THAT KILL SOFTLY

Post by Neil Joshua Rosario on Wed Aug 03, 2011 8:08 am

simula nung naranasanan ko na maghigh blood sa age na 20. every morning naglalakad and jogging ako for 30 mins around our barangay. then afternoon carwash. ayos naman ang kinalabasan. thanks for that information about foods sir
avatar
Neil Joshua Rosario
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1827
Age : 27
Location : Bangus City
Registration date : 02/06/2010

View user profile

Back to top Go down

Re: FOOD THAT KILL SOFTLY

Post by aesonck on Mon Sep 26, 2011 1:07 am

Number 9 at 10 na naman ngayun... Smile, haay...
avatar
aesonck
CGP Expert
CGP Expert

Number of posts : 2448
Age : 37
Location : Philippines. La Trinidad-Visayas
Registration date : 13/07/2010

View user profile

Back to top Go down

Re: FOOD THAT KILL SOFTLY

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Page 2 of 2 Previous  1, 2

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 :: General :: Tambayan

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum