Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Page 1 of 2 1, 2  Next

View previous topic View next topic Go down

Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by angel on Wed Feb 12, 2014 10:38 am

MSI MINER 1
Equipped with 4 - MSI Radeon 7950 Twin Frozr 3 GB each


Niremodel ko tinaggal ko na sa casing kasi mainit kung full operation..........








SAPPHIRE -MINER 2
3 Sapphire R9 290 can hash up to 2.7 MegaHash/sec




Kayang kumita ng 2000$ per month pag sinuswerte.......


Last edited by angel on Sun Feb 16, 2014 11:13 pm; edited 1 time in total
avatar
angel
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 166
Age : 40
Location : La Union/Agusan Del Sur / Riyadh
Registration date : 31/07/2010

View user profile http://www.pinoyeplans.com

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by theomatheus on Wed Feb 12, 2014 3:45 pm

Matindi yan sir ah,. Pano ba yang hashing na yan..ngaun ko lang nalaman yan ah.. Basta ang nakikita ko malulupit na amd video card..lol
avatar
theomatheus
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1387
Age : 34
Location : planet obsidian panopticon
Registration date : 06/07/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by angel on Wed Feb 12, 2014 7:14 pm

theomatheus wrote:Matindi yan sir ah,. Pano ba yang hashing na yan..ngaun ko lang nalaman yan ah.. Basta ang nakikita ko malulupit na amd video card..lol

Bale parang peer to peer ang labanan dito. Magbubuo ka ng machine mo (computer na kagaya sa akin) minewr kasi ang tawag nila. 

Tapos may software ka na i-install para gumana yung mga GPU or video card. Sasali ka sa network ng mga machine or MIning pool ang tawag nila.

Ngayon pag nakaregister ka na sa pool, pwede ka ng mamili ng coin na miminahin mo. Dito sa link na ito pwede kang mamili ng most profitable coin:

http://www.coinwarz.com/cryptocurrency/?sha256HashRate=1000.00&sha256Power=500.00&sha256PowerCost=0.1000&scryptHashRate=5000&scryptPower=1800.00&scryptPowerCost=0.2000&sha256Check=true&scryptCheck=true&e=Vircurex

Bale input mo yung mga values katulad ng Hashrate ng machine mo: Yung dalawang miner ko:

Scrypt Harate: 5,000 Kh/s
Power (Watts): 1800
Power Cost ($/kWh): 0.2000


Daily Power Cost (USD): 8.64$






With the details above, makocompute mo na yung revenue mo per day so sa akin nakakanet income per day ako mula 50$ hanggang 100$. Di na masama di ba? ioonline mo lang yung miner mo 24/7 so within a month kikita ka from 2000$ to 3000$.
avatar
angel
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 166
Age : 40
Location : La Union/Agusan Del Sur / Riyadh
Registration date : 31/07/2010

View user profile http://www.pinoyeplans.com

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by Norman on Wed Feb 12, 2014 11:08 pm

wow!!!!panalo yan a.....
avatar
Norman
CGP Expert
CGP Expert

Number of posts : 3228
Registration date : 21/06/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by jumboojum on Thu Feb 13, 2014 1:30 am

woow.. galing naman Rig nyo sir.

Sa mga masters natin dyan na mabigat ang GPU. Go kau jan. Long term income po yan.

jumboojum
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 58
Age : 28
Location : Lungsod sa Tagoloan
Registration date : 01/06/2013

View user profile

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by angel on Thu Feb 13, 2014 1:52 am

jumboojum wrote:woow.. galing naman Rig nyo sir.

Sa mga masters natin dyan na mabigat ang GPU. Go kau jan. Long term income po yan.

Don't want to make confusion here. Ang Mga AMD cards are much better in gaming and not for 3d Studio Max as far as I know. Mas Magandang gamitin ang NVIDIA for 3d but you can still use them for mining kung gusto nyo but much much lower hash rate than ATI or AMD cards. Dedicated for mining talaga yung mga rig ko I have 1 separate destop for my 3d works na may Nvidia card.

Para malaman nyo yung Hashrate ng Cards nyo visit lang sa link na to:
https://litecoin.info/Mining_hardware_comparison
avatar
angel
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 166
Age : 40
Location : La Union/Agusan Del Sur / Riyadh
Registration date : 31/07/2010

View user profile http://www.pinoyeplans.com

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by theomatheus on Thu Feb 13, 2014 3:25 am

Naglaing kan lakay!! Kaso naguguluhan parin ako.. Pero interesting.pano ka kikita ng ganyan na naka on 24/7 yung computer mo?? Magandang business yan ah.hehe
avatar
theomatheus
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1387
Age : 34
Location : planet obsidian panopticon
Registration date : 06/07/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by angel on Thu Feb 13, 2014 8:11 am

theomatheus wrote:Naglaing kan lakay!! Kaso naguguluhan parin ako.. Pero interesting.pano ka kikita ng ganyan na naka on 24/7 yung computer mo?? Magandang business yan ah.hehe

Simulan mo dito magbasabasa bro....

https://litecointalk.org/index.php

Actually kung naririnig mo yung Bitcoins dyan ako nagsimula but not long ago, pero marami na ring mga pinoy na nagsimula as early as 2009. Ako halos 3 months pa lang. Nung naimbento ang mga ASICs ( Application Specific Integrated Circuits) na same function sa GPU na mas mura mas mabilis sa Video Card, namatay ang mga GPU mining. Pero naimbento ang SCRYPT Coins at nabuhay uli ang mga GPU kasi di pwedeng gamitin ang mga ASICs sa pagmimina nito.


Ang Transaction pagbayaran na ay through bank deposit or Wire Transfer. PAypal din kung gumagamit ka nito. Ginagamit ko kasi Paypal kasi pwedeng ilink yung bank account mo sa paypal tapos pwede mo na widrawhin.

Bale ang steps (Rough lang)

1. Bubuo ka ng Rig mo na kagaya sa pinost ko.
2. May idadownload ka na software for mining (CGminer, GUIminier etc...depende kung ano ang gusto mo). Free naman ito 
3. May idadownload ka rin na wallet software para install sa pc mo or laptop. Dito mo ilalagay yung mamimina mo. Free din
4. Magreregister ka sa isang Pool. Ito parang grupo ng mga minero na nagsama sama parang isang network na magmimina ng coins. Yung computing power nyo pagsamasamahin at kung may mamimina kayo na blocks ng coin paghahatian nyo Pro rata depende sa computing power ng rig mo.Kung mababa ang computing power mo syempre mababa rin ang share. Yung pool owner na ang bahalang maghati hati base on a system of sharing computation.

Heto yung mga coin na pwedeng minahin: at yung profitability nya.
http://www.coinwarz.com/cryptocurrency

5. Pagnareflect na sa account mo sa pool yung naipon mong coin pwede mo na widrahin papuntang wallet mo. 
6. Tapos pwede mo na syang ipalit sa Bitcoin through Coin exchangers na gaya ng mga ito:
https://btc-e.com/
www.bter.com
https://www.cryptsy.com/

7. Kung mapapansin mo sa https://btc-e.com/ ang isang Bitcoin ay 636usd ang presyo mababa ngayon dati umabot pa ang 1 Bitcoin ay 1000usd. So kung nagregister ka jan at ibinenta mo jan yung naipon mo na coin macoconvert na sya sa US Dollar. May option na rin jan na pwede mo widrahin yung Dollars mo through Bank or through Paypal. I prefer paypal kac ginagamit ko na ito ever since nagfreelance ako sa 3D.

Same as other business risky din syempre pagbaba ng presyo bababa rin ang kita. Yung Rig na gagamitin, it takes 3 to 4 months bago mabawi worse scenario. Sa akin nabawi ko within 15days he he, naswertehan ko lang. Ang maganda lang talaga di nangangailanagan ng maraming atension kasi kung open 24/7 at stable sya at di nagkacrash pwede mo ng iwanan kumikita na yun araw araw.
avatar
angel
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 166
Age : 40
Location : La Union/Agusan Del Sur / Riyadh
Registration date : 31/07/2010

View user profile http://www.pinoyeplans.com

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by pugot ulo on Thu Feb 13, 2014 9:26 pm

narinig ko na din itong currency mining sa ka-officemate ko. okay talaga ito.

bro, san mo nabili PCI-e extender mo para sa vidcard? di ba nag BSOD?
ano temperature ng Vid card mo bro pag nag mining na / full operation na?
Naka aircon ba kwarto mo bro?
Anong gamit mong ROG mobo?
1500watts ba yang PSU?
how much naging monthly bill mo kung 24/7 yung full load mining rig mo bro?

pugot ulo
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 191
Registration date : 15/10/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by angel on Fri Feb 14, 2014 12:16 am

pugot ulo wrote:narinig ko na din itong currency mining sa ka-officemate ko. okay talaga ito.

bro, san mo nabili PCI-e extender mo para sa vidcard? di ba nag BSOD?
ano temperature ng Vid card mo bro pag nag mining na / full operation na?
Naka aircon ba kwarto mo bro?
Anong gamit mong ROG mobo?
1500watts ba yang PSU?
how much naging monthly bill mo kung 24/7 yung full load mining rig mo bro?

Sa ebay at sa Amazon ako bumibili ng mga PCI-e extender ewan ko lang kung meron na jan s pinas. Purpose lang talaga nito para magkaroon ng enough space at di magkadikit dikit mga Card. Ang PSU sa 3 cards ko ay 1200watts pwede upgrade sa 1500 kung magdagdag ng card hanggang apat, pero higher PSU wattage are more expensive.

Ang temperature ng Shapphire R9 290 ko ay nag aaverage ng 80 to 85 degrees pag full mining at yung consumption ng buong system sa full mining in ay nasa 1000watts. Ang hasrate ng system ko sa normal mining, bawat card ay nasa 850 khash/s so sa 3 cards ay 2550 khash. Try to input this values sa coinwarz.com. sa Scrypt Algorithm then assume .20$ per kilowatthour sa power cost mo ( parang 8.8 pesos per kwhr). Makikita mo yung gastos mo every 24hours ay nasa 4.8$ (211 pesos).



Pag scroll mo sa baba makikita mo yung different coins. Sa column ng Revenue/Profit per day. Kung yung cosmocoin ang miminahin mo. Ang revenue mo ay nasa 79.26$ per day , Profit mo (less kuryente) ay nasa 74.46$ and so on. Coins are listed From Top (most Profitable) down to less profitable. But Coins are not staying on top the whole day gaya ng Cosmoscoin. Baka after an hour or minutes lang bumababa sya, so mine a coin that you have observe for days nasa top sya palagi or mine a coin that you believe in.
avatar
angel
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 166
Age : 40
Location : La Union/Agusan Del Sur / Riyadh
Registration date : 31/07/2010

View user profile http://www.pinoyeplans.com

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by theomatheus on Fri Feb 14, 2014 5:17 am

Matindi ka lakay... Ayos na ayos yan ah...thanks sa info..
avatar
theomatheus
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1387
Age : 34
Location : planet obsidian panopticon
Registration date : 06/07/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by Onix on Sat Feb 15, 2014 9:41 am

Ang lupit nito sir ngyn ko lang ito narinig. Thanks for sharing!
avatar
Onix
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 426
Age : 29
Location : Pasig
Registration date : 15/03/2013

View user profile

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by kjraf_011 on Sun Feb 16, 2014 1:38 am

"Surwan nakto manong a"-(Turuan mo ako kuya a), sakaling makabuo ako ng rig. sayang din.
avatar
kjraf_011
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 579
Age : 29
Location : Tubong Ilocos Sur. Qatar
Registration date : 17/10/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by angel on Sun Feb 16, 2014 6:14 am

kjraf_011 wrote:"Surwan nakto manong a"-(Turuan mo ako kuya a), sakaling makabuo ako ng rig. sayang din.

Wen ah (Oo naman)....Ilocano ngarud...exciting pag may bagong coin na lumabas, daming makokolekta kasi kunti pa kayo, after 1 hour lang parang linalanggam dagsaan na mga minero.
avatar
angel
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 166
Age : 40
Location : La Union/Agusan Del Sur / Riyadh
Registration date : 31/07/2010

View user profile http://www.pinoyeplans.com

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by G.A. on Sun Feb 16, 2014 6:47 am

mukhang ok 'to kaso di ko makuha yung logic papano ka kikita ng pera, turn-on lang ng computer 24/7 kikita na? malaking palaisipan sakin to brod...pwedeng paki elaborate naman sir...thanks a lot
avatar
G.A.
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 72
Location : Riyadh,KSA
Registration date : 27/02/2012

View user profile

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by angel on Sun Feb 16, 2014 6:54 am

G.A. wrote:mukhang ok 'to kaso di ko makuha yung logic papano ka kikita ng pera, turn-on lang ng computer 24/7 kikita na? malaking palaisipan sakin to brod...pwedeng paki elaborate naman sir...thanks a lot

Ako nga din di ko pa masyadong maintindihan bro he he....ang alam ko lang may pumapasok na pera sa account ko araw araw, buwan buwan....

Pero umpisahan natin sa Bitcoin kasi dito lahat nagsimula:
http://www.youtube.com/watch?v=GmOzih6I1zs
http://en.wikipedia.org/wiki/Bitcoin
avatar
angel
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 166
Age : 40
Location : La Union/Agusan Del Sur / Riyadh
Registration date : 31/07/2010

View user profile http://www.pinoyeplans.com

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by theomatheus on Sun Feb 16, 2014 8:46 pm

Sir.. Maganda to... Curious lang ako sir bakit walang nakaconnect na monitor. Minsan sir pm kita sir ah.thank you
avatar
theomatheus
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1387
Age : 34
Location : planet obsidian panopticon
Registration date : 06/07/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by angel on Sun Feb 16, 2014 9:05 pm

theomatheus wrote:Sir.. Maganda to... Curious lang ako sir bakit walang nakaconnect na monitor. Minsan sir pm kita sir ah.thank you

Pwedeng headless operation ito. Pwede namang lagyan ng monitor pero di na advisable kung may 10 plus units ka kac pwede naman i access through remote desktop, cgwatcher at saka cgremote:

www.youtube.com/watch?v=LxZYVuOPViE
avatar
angel
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 166
Age : 40
Location : La Union/Agusan Del Sur / Riyadh
Registration date : 31/07/2010

View user profile http://www.pinoyeplans.com

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by torvicz on Sun Feb 16, 2014 9:45 pm

interesting to dude...

magkano naman ang puhunan dito dude?
avatar
torvicz
Sgt. Pepper
Sgt. Pepper

Number of posts : 3235
Location : dubai, uae
Registration date : 01/10/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by angel on Sun Feb 16, 2014 10:26 pm

torvicz wrote:interesting to dude...

magkano naman ang puhunan dito dude?

Sa case ko dude yung 3 Sapphire R9 290 na miner ko:

A. Sapphire miner Components:
1. Mobo Gigabyte = 500 SR (Kaya nito hanggang 4 cards)
http://www.softland.com.sa/index.php?route=product/product&path=25_147&product_id=1928
2. CPU AMD = 260 SR
http://www.softland.com.sa/index.php?route=product/product&path=18_45_146&product_id=1727
3. Video Card = 6300 SR
http://www.softland.com.sa/index.php?route=product/product&path=17_61&product_id=2005
4. RAM 8GB = 450
http://www.softland.com.sa/index.php?route=product/product&path=24_62&product_id=1946
5. PSU 1200watts = 1600
http://www.softland.com.sa/index.php?route=product/product&path=100_156&product_id=1894
6. HDD = 315 (pinakamura na kahit 100 gb lang)
http://www.softland.com.sa/index.php?route=product/product&path=33_69_73&product_id=1398

Total = 9425 sr (113,100 pesos), 2,570USD

Yung mga ibang Cards na mas mura pwede rin basta ATI or AMD cards may corresponding hasrate kasi bawat klase at macompute mo na rin yung hasrate ng rig mo:
https://litecoin.info/Mining_hardware_comparison

B. Hashrate: each card nasa 850 to 900 khash/s .... Total = 2550 khash/s
C. Consumption: 1000 watts more or less
avatar
angel
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 166
Age : 40
Location : La Union/Agusan Del Sur / Riyadh
Registration date : 31/07/2010

View user profile http://www.pinoyeplans.com

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by torvicz on Sun Feb 16, 2014 10:30 pm

Mukhang komplikado dude ha?
Katulad ng iba di ko rin ma gets paano kumikita to, but good for you, may 
extra income ka.  thumbsup
avatar
torvicz
Sgt. Pepper
Sgt. Pepper

Number of posts : 3235
Location : dubai, uae
Registration date : 01/10/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by angel on Tue Feb 25, 2014 9:23 pm

torvicz wrote:Mukhang komplikado dude ha?
Katulad ng iba di ko rin ma gets paano kumikita to, but good for you, may 
extra income ka.  thumbsup

Ok so, kahapon may nakita ko sa forum na sa palagay ko trustable na minahin: 

Blackcoin:
https://bitcointalk.org/index.php?topic=469640.0

So sa first page makikita mo lahat ng details nung coin.

Para mamina mo yung coin kailangan may:
1. Mining Pool
2. Wallet
3. Exchange

1. Sa una meron syang Mining pools kaya nagresister ako dito:
http://bc.scryptominers.com/

Sa HELP SECTION "Getting Started" Page ng pool na ito may instruction kung paano mo ioonline yung mga computer mo. 

2. So sa madaling sabi naka online na yung mga miner ko hashing at 5,000 khash/s yung dalawang rig ko. Kailangan mo na ngayon ng Wallet para mawithdraw mo yung naipon mong blackcoin dun sa pool. So sa Mainpage nung coin nakalista din yung download link nung wallet:
https://mega.co.nz/#!rNxgCYLA!izo3TehRJTwYVltTLQehpFsahnVrHU2ZfBGvnAUeRWw

As easy as clicking the exe file lang at mag iinstall naa sya. Antayin mo lang at magsisynchronized sya sa network ng blackcoin. May part dun na receiving address. Parang ganito itsura ng adress:


Kopyahin mo yan at yan ang magiging wallet address mo sa Pool na pinagmiminahan mo. Everytime na may maipon ka iwiwidraw mo using that address.

3. So after 24 hours of mining, nakaipon ako ng 9,000 BC (Blackcoin). kailangan kung ipalit ngayon ito sa Bitcoin currency. So kailangan may exchanger din fron Blackcoin to Bitcoin. Sa site nung coin may nakalista na rin na exchanger:
https://www.cryptoaltex.com. nageregister ako dito at from my wallet idineposit ko dito yung Blackcoin. Ang current na palitan ay 0.000015Bitcoin per 1 Blackcoin = 0.135 Bitcoin.

4. So kailangan ko ngayon ipalit uli yung 0.135 Bitcoin to US Dollar at yung echanger na ito nagpapalit sya ng Bitcoin to dollar:
https://btc-e.com/

Ang palitan as of the time of writing is 550usd per bitcoin = 74.25 dollar

Ang net income ko ay 74.25 less 8.64 (kunyente 24 hours) = 65.61usd (2,886 pesos) for 24 hours, ok na rin di ba?

Halos summary lang tong nasabi ko, kasi male late na ako sa trabaho.... Laughing
avatar
angel
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 166
Age : 40
Location : La Union/Agusan Del Sur / Riyadh
Registration date : 31/07/2010

View user profile http://www.pinoyeplans.com

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by theomatheus on Tue Feb 25, 2014 10:13 pm

Ayosan sir ah..hehehe
avatar
theomatheus
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1387
Age : 34
Location : planet obsidian panopticon
Registration date : 06/07/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by sam007 on Tue Feb 25, 2014 10:28 pm

papano mo na ma monitor ung mining mo sir..at papano mo din i log out ung mining pala sir.

sam007
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 19
Age : 71
Location : kalat
Registration date : 15/02/2014

View user profile

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by angel on Tue Feb 25, 2014 11:08 pm

sam007 wrote:papano mo na ma monitor ung mining mo sir..at papano mo din i log out ung mining pala sir.

Sa Mining Pool mismo ma monitor mo na yung rig mo kung gumagana:

1. Sa Dashboard makikita mo yung combined hashrate mo.
2. Sa Workers tab, makikita mo yung individual hasrate nung bawat rig.
3. Sa Pool Tab, makikita mo yung estimated Coins na kaya mong minahin within the day with your given hashrate, minsan lang naglalaro yung hashrate up and down.


Kung yung direct naman na maaacces mo yung miner mas preferred ko yung Teamviewer unattended session, kac kahit nassan ka basta may internet pwede mo sila maaccess. May gumawa ng program na cgwatcher at cgremote for monitoring and handling miners pero di ko masyado gusto.
avatar
angel
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 166
Age : 40
Location : La Union/Agusan Del Sur / Riyadh
Registration date : 31/07/2010

View user profile http://www.pinoyeplans.com

Back to top Go down

Re: Ito Ang Hobby ko Habang Nagrerender - Crypto Currency Mining / Hashing

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Page 1 of 2 1, 2  Next

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum