Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

 :: General :: Tambayan

Page 1 of 5 1, 2, 3, 4, 5  Next

View previous topic View next topic Go down

Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by mechanic on Fri May 08, 2009 9:17 pm

Nabasa ko lang sa kabilang thread.....gusto ko lang e share....

Dear Mr. Bob Ong,

Matagal ko na pong nililigawan itong chik na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.

Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula ? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?

In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one?

Lubos na gumagalang,
-MATT -

- ANG REPLY -

Dear MATT,

Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao at suman mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Ano’ng era ka ba pinanganak?

Pero don’t worry. It’s not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa’yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na natin, iyon na LANG talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo ‘to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa’yo. Mga medyo more than your usual regalong panligaw:

1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.

Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na “Omega 8.” Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good for my heart.”

2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: “I miss hanging out with you.”

3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”

4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, “natunaw na kakatitig sa’yo.”

6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka.”

7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.

8. Itext mo siya ng: “Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!”

9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo “para pag nagkabanggaan ang puso natin.”

10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa’kin.”

11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko"

12. Pagkatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin, "ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo"

13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng "salbabida", wag payong, o mainit na mami. Pag nagtanong bkt? ang isagot mo ay " ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."

14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na “don’t leave your valuables unattended”

Handang tumulong lagi,

-Bob Ong-

2thumbsup
avatar
mechanic
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 307
Age : 42
Location : digos/davao
Registration date : 24/02/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by Guest on Sun May 10, 2009 12:57 am

bagay tayo! bagay! . .

Mey nabasa ko dati. . Couples dating. Having pizza. Tas sabi ni girl, aalis na daw sya sabay hawak dun sa kamay ni boy. . nagtaka si boylet. tas sabi ni girl "dmo ba nakikita un sign? PLEASE DONT LEAVE YOUR VALUABLES UNAATTENDED" nag smile lang si boy. .

I love Bob Ong!! I want to be Bob Ong! I'd like to be able to write with same impact as Bob Ong! . . . ok, over na. . .

Guest
Guest


Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by Leslie Adona on Sun May 10, 2009 1:10 am

hahahaha ikaw yung nawawalang anak ni Bob Ong....

Ako gusto ko yung mga quotes ni Bob Ong. Heto bagay na bagay sayo Chie...
“Ang Pag-ibig Parang elevator lang yan , bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo? Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

Ito naman ang para sa Akin..

“Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..” peace man
avatar
Leslie Adona
Prinsesa
Prinsesa

Number of posts : 734
Age : 39
Location : Beijing, China
Registration date : 13/10/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by qui gon on Sun May 10, 2009 1:21 am

Leslie Adona wrote:hahahaha ikaw yung nawawalang anak ni Bob Ong....

Ako gusto ko yung mga quotes ni Bob Ong. Heto bagay na bagay sayo Chie...
“Ang Pag-ibig Parang elevator lang yan , bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo? Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

Ito naman ang para sa Akin..

“Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..” peace man

haha ok ah,taong BOB ONG pala tyo lahat dito,look at my signature ms. leslie kasama yan nung elavtor mo Laughing Laughing
avatar
qui gon
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 498
Age : 39
Location : Antipolo, Hongkong, Qatar-Dubai-Bahrain
Registration date : 16/12/2008

View user profile http://lycan082678.multiply.com

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by kurdaps! on Sun May 10, 2009 1:29 am

lol!

_________________
Happy moments:PRAISE GOD. Difficult  moments:SEEK GOD.
Quiet moments:WORSHIP GOD. Painful moments:TRUST GOD.
Every moment:THANK  GOD.

avatar
kurdaps!
Super Moderator
Super Moderator

Number of posts : 5059
Age : 40
Location : aan-dxb-aan
Registration date : 18/09/2008

View user profile http://www.sherwinboston.com

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by mechanic on Sun May 10, 2009 2:05 am

ayos!
avatar
mechanic
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 307
Age : 42
Location : digos/davao
Registration date : 24/02/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by bokkins on Sun May 10, 2009 2:14 am

haha,. Go Bob ong! 2thumbsup
avatar
bokkins
Special Ops
Special Ops

Number of posts : 10324
Registration date : 18/09/2008

View user profile Http://bokkins3d.blogspot.com/

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by Guest on Sun May 10, 2009 3:34 am

leslie, . .

Ang sabi naman ng kaibigan kong kapwa adik tungkol sa elevator . . .

"bkt ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko sa elevator kung puno na? E babalik naman yan. . At mey hagdan naman"

Guest
Guest


Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by bokkins on Sun May 10, 2009 3:43 am

KettleRenderer wrote:leslie, . .

Ang sabi naman ng kaibigan kong kapwa adik tungkol sa elevator . . .

"bkt ko naman ipagsisiksikan ang sarili ko sa elevator kung puno na? E babalik naman yan. . At mey hagdan naman"

pano pag puno pa din, mas masakit yun. haha. maghagdan na nga lang, slow but sure. Smile
avatar
bokkins
Special Ops
Special Ops

Number of posts : 10324
Registration date : 18/09/2008

View user profile Http://bokkins3d.blogspot.com/

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by Leslie Adona on Sun May 10, 2009 8:25 am

Tama ka sir John Regala ( Hawig mo daw sabi Ni Chie Very Happy peace man ) Maghahagdan nalang kami...Tsaka malay natin dina babalik yung elevator nayun kasi SIRA na pala...Hihihihi..
avatar
Leslie Adona
Prinsesa
Prinsesa

Number of posts : 734
Age : 39
Location : Beijing, China
Registration date : 13/10/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by Leslie Adona on Sun May 10, 2009 8:35 am

Mga sari saring Quotes na di nagmula kay Bob Ong...hahaha

“Mas Madaling ngumit kapag hindi ka masaya, kesa ipaliwanag kung bakit malungkot ka.”
-Wala lang-

“Hindi masamang magpahinga kung pagod Ka na.”
-juan tamad-

“Pakawalan mo ang mga bagay na nakakasakit sayo, kahit na pinapasaya ka nito. hwag mo nang hintayin na sakit na lang ang matira at mawala na ang saya.”
-mula sa isang kaibigan-

-kung pagmamahal lang ang problema mo. eh di magmahal ka pwede namang magmahal kahit wala kayong relasyon
-the Other Woman-

peace man
avatar
Leslie Adona
Prinsesa
Prinsesa

Number of posts : 734
Age : 39
Location : Beijing, China
Registration date : 13/10/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by Guest on Sun May 10, 2009 9:49 am

eto ang pinaka gusto ko , mula ke Bob Ong.

"kung maghihintay ka ng lalandi sa'yo, walang mangyayari sa buhay mo. . .dapat lumandi ka din"

Nice dba?

Guest
Guest


Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by pixelburn on Sun May 10, 2009 10:14 am

Leslie Adona wrote:Mga sari saring Quotes na di nagmula kay Bob Ong...hahaha


“Hindi masamang magpahinga kung pagod Ka na.”
-juan tamad-

isa pang quote
"Hindi baleng tawaging tamad, Hindi naman pagod"
-juan tamad-
avatar
pixelburn
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1436
Age : 33
Location : Dubai, SAN PEDRO, LAGUNA, Brunei Darrusalam
Registration date : 09/04/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by darwinzzkie on Sun May 10, 2009 11:02 am

wow dami pala fanatic ng bob ong.
share ko lang din tong mga lines ni bob ong na fave ko. hehe

About sa Buhay:


"nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the- blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures."

"Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

"Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa'yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili."

"Tuparin ang mga pangarap. Obligasyon mo yan sa sarili mo. Kung gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay ka sa Guinness Book of World Records at maipagmalaki ng bansa natin, sige lang. Nosi balasi. wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok humarang sa'yo. Kung hindi nagsumikap ang mga scientist noon, hindi pa rin tayo dapat nakatira sa jupiter ngayon. Pero hindi pa rin naman talaga tayo nakatira sa jupiter dahil nga hindi nagsumikap ang mga scientist noon. Kita mo yung moral lesson?"

"Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras."



About sa Pag-aaral:

"Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!)."

"Nalaman kong marami palang libreng lecture sa mundo, ikaw ang gagawa ng syllabus. Maraming teacher sa labas ng eskuwelahan, desisyon mo kung kanino ka magpapaturo. Lahat tayo enrolled ngayon sa isang university, maraming subject na mahirap, pero dahil libre, ikaw ang talo kung nag-drop ka. Isa-isa tayong ga-graduate, iba't-ibang paraan. tanging diploma ay ang mga alaala ng kung ano mang tulong o pagmamahal ang iniwan natin sa mundong pinangarap nating baguhin minsan..."

"Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa."

"dalawang dekada ka lang mag-aaral. kung 'di mo pagtityagaan, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. sobrang lugi. kung alam lang 'yan ng mga kabataan, sa pananaw ko ehh walang gugustuhing umiwas sa eskwela."



About sa Pag-ibig:

"Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

"Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon."

"Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

"Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

"Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

"Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

"Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

"Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

"Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

"Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

"Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?

"Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka."

"Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
avatar
darwinzzkie
Guwapingz
Guwapingz

Number of posts : 649
Age : 31
Location : Manila, Aguilar Pangasinan
Registration date : 18/02/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by virus on Sun May 10, 2009 10:45 pm

galing tlaga ni bob ong.. eto naman sakin

"ang pag-ibig ay hindi inaantay,
hindi hinahanap.....,,,
at mas lalong hindi kusang dumadating....

ito pala ay inaagaw...



i repeat... INAAGAW!!"

hahaha
avatar
virus
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 380
Age : 30
Location : baguio(taga sungkit ng sayote)
Registration date : 04/03/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by Guest on Sun May 10, 2009 10:54 pm

virus wrote:galing tlaga ni bob ong.. eto naman sakin

"ang pag-ibig ay hindi inaantay,
hindi hinahanap.....,,,
at mas lalong hindi kusang dumadating....

ito pala ay inaagaw...



i repeat... INAAGAW!!"

hahaha

ang sabi ko naman...
"bakit mo kelangan mang-agaw e kung pwede naman hiramin.. para lang masubukan mo kung masarap syang mahalin at para pag sawa ka na.. pwede mo na isoli" - Chie peace man

Guest
Guest


Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by kurdaps! on Sun May 10, 2009 10:56 pm

KettleRenderer wrote:
virus wrote:galing tlaga ni bob ong.. eto naman sakin

"ang pag-ibig ay hindi inaantay,
hindi hinahanap.....,,,
at mas lalong hindi kusang dumadating....

ito pala ay inaagaw...



i repeat... INAAGAW!!"

hahaha



ang sabi ko naman...
"bakit mo kelangan mang-agaw e kung pwede naman hiramin.. para lang masubukan mo kung masarap syang mahalin at para pag sawa ka na.. pwede mo na isoli" - Chie peace man
cher

_________________
Happy moments:PRAISE GOD. Difficult  moments:SEEK GOD.
Quiet moments:WORSHIP GOD. Painful moments:TRUST GOD.
Every moment:THANK  GOD.

avatar
kurdaps!
Super Moderator
Super Moderator

Number of posts : 5059
Age : 40
Location : aan-dxb-aan
Registration date : 18/09/2008

View user profile http://www.sherwinboston.com

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by virus on Sun May 10, 2009 10:58 pm

KettleRenderer wrote:
virus wrote:galing tlaga ni bob ong.. eto naman sakin

"ang pag-ibig ay hindi inaantay,
hindi hinahanap.....,,,
at mas lalong hindi kusang dumadating....

ito pala ay inaagaw...



i repeat... INAAGAW!!"

hahaha

ang sabi ko naman...
"bakit mo kelangan mang-agaw e kung pwede naman hiramin.. para lang masubukan mo kung masarap syang mahalin at para pag sawa ka na.. pwede mo na isoli" - Chie peace man



ahahaha... alam mo tita chie.. bagay tau.. hahaha
mahilig mang hiram.. peace man
avatar
virus
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 380
Age : 30
Location : baguio(taga sungkit ng sayote)
Registration date : 04/03/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by Leslie Adona on Sun May 10, 2009 10:58 pm

Hahahahaha....ay ayaw kong manghiram...kasi pano kapag nagustuhan kona edi need kong ibalik sa may-ari kasi di naman sa akin...Eh madamot ako, ayaw ko ng may ka SHARE ...hahahaha... Very Happy

At para sa pang aagaw. Di maganda mang agaw kasi kapag inagaw mo may possibility na maagawan ka rin...hahahaha.. 2thumbsup
avatar
Leslie Adona
Prinsesa
Prinsesa

Number of posts : 734
Age : 39
Location : Beijing, China
Registration date : 13/10/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by Guest on Sun May 10, 2009 11:03 pm

Leslie Adona wrote:Hahahahaha....ay ayaw kong manghiram...kasi pano kapag nagustuhan kona edi need kong ibalik sa may-ari kasi di naman sa akin...Eh madamot ako, ayaw ko ng may ka SHARE ...hahahaha... Very Happy

At para sa pang aagaw. Di maganda mang agaw kasi kapag inagaw mo may possibility na maagawan ka rin...hahahaha.. 2thumbsup

TAMA.. wag ka mang aagaw.. bad un .. hiram lang.. basta dapat .. DO NOT NOT INVEST TOO MUCH LOVE WITH AN ALREADY INVOLVED PERSON.. in tagalog .. "WALANG INLOVE-AN, LARO LANG" .. or pag nde maiwasan magka inlove-an .. "WALANG ANGKINAN"

Guest
Guest


Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by leeeeeeeee on Sun May 10, 2009 11:12 pm

KettleRenderer wrote:

TAMA.. wag ka mang aagaw.. bad un .. hiram lang.. basta dapat .. DO NOT NOT INVEST TOO MUCH LOVE WITH AN ALREADY INVOLVED PERSON.. in tagalog .. "WALANG INLOVE-AN, LARO LANG" .. or pag nde maiwasan magka inlove-an .. "WALANG ANGKINAN"

2thumbsup
avatar
leeeeeeeee
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 799
Age : 34
Location : Brunei
Registration date : 18/09/2008

View user profile http://leeabrio.blogspot.com

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by virus on Sun May 10, 2009 11:16 pm

TAMA.. wag ka mang aagaw.. bad un .. hiram lang.. basta dapat .. DO NOT NOT INVEST TOO MUCH LOVE WITH AN ALREADY INVOLVED PERSON.. in tagalog .. "WALANG INLOVE-AN, LARO LANG" .. or pag nde maiwasan magka inlove-an .. "WALANG ANGKINAN"[/quote]

sige.. laro lng garud... panu po ba maglaro ate? bounce
avatar
virus
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 380
Age : 30
Location : baguio(taga sungkit ng sayote)
Registration date : 04/03/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by Butz_Arki on Sun May 10, 2009 11:17 pm

bobongpinoy books collection...sino meron? nakakatawa yan..
avatar
Butz_Arki
Superbeast
Superbeast

Number of posts : 4080
Age : 36
Location : Guinea Ecuatorial,United States of Africa
Registration date : 18/09/2008

View user profile Http://butzoy.multiply.com

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by qui gon on Sun May 10, 2009 11:19 pm

virus wrote:TAMA.. wag ka mang aagaw.. bad un .. hiram lang.. basta dapat .. DO NOT NOT INVEST TOO MUCH LOVE WITH AN ALREADY INVOLVED PERSON.. in tagalog .. "WALANG INLOVE-AN, LARO LANG" .. or pag nde maiwasan magka inlove-an .. "WALANG ANGKINAN"

sige.. laro lng garud... panu po ba maglaro ate? bounce[/quote]

nakupo iho,wag mong ina-ATE si chie.....unti unting nagkakaroon ng guhit noo nyan...

ayna oh nagkakaroon na peace man
avatar
qui gon
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 498
Age : 39
Location : Antipolo, Hongkong, Qatar-Dubai-Bahrain
Registration date : 16/12/2008

View user profile http://lycan082678.multiply.com

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by virus on Sun May 10, 2009 11:21 pm

qui gon wrote:
virus wrote:TAMA.. wag ka mang aagaw.. bad un .. hiram lang.. basta dapat .. DO NOT NOT INVEST TOO MUCH LOVE WITH AN ALREADY INVOLVED PERSON.. in tagalog .. "WALANG INLOVE-AN, LARO LANG" .. or pag nde maiwasan magka inlove-an .. "WALANG ANGKINAN"

sige.. laro lng garud... panu po ba maglaro ate? bounce

nakupo iho,wag mong ina-ATE si chie.....unti unting nagkakaroon ng guhit noo nyan...

ayna oh nagkakaroon na peace man[/quote]

ay kasjay?? ahehehe... so bale parang anak nya po ako? peace man
avatar
virus
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 380
Age : 30
Location : baguio(taga sungkit ng sayote)
Registration date : 04/03/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Page 1 of 5 1, 2, 3, 4, 5  Next

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 :: General :: Tambayan

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum