Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

 :: General :: Tambayan

Page 3 of 5 Previous  1, 2, 3, 4, 5  Next

View previous topic View next topic Go down

Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by mechanic on Fri May 08, 2009 9:17 pm

First topic message reminder :

Nabasa ko lang sa kabilang thread.....gusto ko lang e share....

Dear Mr. Bob Ong,

Matagal ko na pong nililigawan itong chik na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.

Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula ? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?

In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one?

Lubos na gumagalang,
-MATT -

- ANG REPLY -

Dear MATT,

Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na uubra yang siopao at suman mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Ano’ng era ka ba pinanganak?

Pero don’t worry. It’s not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa’yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na natin, iyon na LANG talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo ‘to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa’yo. Mga medyo more than your usual regalong panligaw:

1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.

Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na “Omega 8.” Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good for my heart.”

2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: “I miss hanging out with you.”

3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”

4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, “natunaw na kakatitig sa’yo.”

6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka.”

7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.

8. Itext mo siya ng: “Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!”

9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo “para pag nagkabanggaan ang puso natin.”

10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa’kin.”

11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko"

12. Pagkatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin, "ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo"

13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng "salbabida", wag payong, o mainit na mami. Pag nagtanong bkt? ang isagot mo ay " ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."

14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na “don’t leave your valuables unattended”

Handang tumulong lagi,

-Bob Ong-

2thumbsup

mechanic
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 307
Age : 41
Location : digos/davao
Registration date : 24/02/2009

View user profile

Back to top Go down


Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by ERICK on Mon May 11, 2009 5:48 am

nagmamasid.... Rolling Eyes

ERICK
CGP Dark Horse
CGP Dark Horse

Number of posts : 3895
Registration date : 18/09/2008

View user profile http://www.ericktorio.tk http://www.coroflot.com/ericktorio

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by kurdaps! on Mon May 11, 2009 5:49 am

Bob Ong’s Philosophy on Love...

1. “Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

2. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

3. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

4.. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

5. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

6. “Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

7. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

8. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

11. “Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”

12. “Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”

13. “Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

14. “Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”

15. “Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

16. “Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”

17. “Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”

18. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

19. “Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”

_________________
Happy moments:PRAISE GOD. Difficult  moments:SEEK GOD.
Quiet moments:WORSHIP GOD. Painful moments:TRUST GOD.
Every moment:THANK  GOD.


kurdaps!
Super Moderator
Super Moderator

Number of posts : 5056
Age : 39
Location : aan-dxb-aan
Registration date : 18/09/2008

View user profile http://www.sherwinboston.com

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by Joaquin on Mon May 11, 2009 5:51 am

chie, sympre ang perfect na ibigay ay rose cause it symbolizes beauty, love, passion and compassion.

The thorns are a reminder that love can also be painful... naks! thumbsup

Joaquin
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 170
Age : 36
Location : Adelaine Australia
Registration date : 03/05/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by pixelburn on Mon May 11, 2009 5:54 am

kurdaps! wrote:

Bob Ong’s Philosophy on Love...

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

Now i know

pixelburn
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1436
Age : 32
Location : Dubai, SAN PEDRO, LAGUNA, Brunei Darrusalam
Registration date : 09/04/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by kurdaps! on Mon May 11, 2009 5:57 am

pixelburn wrote:
kurdaps! wrote:

Bob Ong’s Philosophy on Love...

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

Now i know

Tsikboy ang mag-react nito! Laughing

peace man

_________________
Happy moments:PRAISE GOD. Difficult  moments:SEEK GOD.
Quiet moments:WORSHIP GOD. Painful moments:TRUST GOD.
Every moment:THANK  GOD.


kurdaps!
Super Moderator
Super Moderator

Number of posts : 5056
Age : 39
Location : aan-dxb-aan
Registration date : 18/09/2008

View user profile http://www.sherwinboston.com

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by pixelburn on Mon May 11, 2009 6:00 am

yes sir kurdaps, bilib nako kay bob ong!!! Very Happy

pixelburn
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1436
Age : 32
Location : Dubai, SAN PEDRO, LAGUNA, Brunei Darrusalam
Registration date : 09/04/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by ERICK on Mon May 11, 2009 6:00 am

kurdaps! wrote:
pixelburn wrote:
kurdaps! wrote:

Bob Ong’s Philosophy on Love...

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

Now i know

Tsikboy ang mag-react nito! Laughing

peace man


No

ERICK
CGP Dark Horse
CGP Dark Horse

Number of posts : 3895
Age : 35
Location : Makati, Philippines
Registration date : 18/09/2008

View user profile http://www.ericktorio.tk http://www.coroflot.com/ericktorio

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by Leslie Adona on Mon May 11, 2009 6:04 am

kurdaps! wrote:
pixelburn wrote:
kurdaps! wrote:

Bob Ong’s Philosophy on Love...

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

Now i know

Tsikboy ang mag-react nito! Laughing

peace man


hahahaha yan ang para sa mga BABAERO.... Very Happy

Leslie Adona
Prinsesa
Prinsesa

Number of posts : 734
Age : 38
Location : Beijing, China
Registration date : 13/10/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by mammoo_03 on Mon May 11, 2009 6:11 am

Twisted Evil

mammoo_03
The Exhibitioner
The Exhibitioner

Number of posts : 2417
Age : 37
Location : manila, makati, dubai
Registration date : 20/09/2008

View user profile http://www.coroflot.com/archmlcm

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by KettleRenderer on Mon May 11, 2009 6:24 am

@joaquim. . . Atleast be more creative than that. . Give more meaning to that rose. . Why must i receive that if it also imply the consequence. Syempre pag bago pa lang ang tao sa buhay mo, pa-impress ka. . .

@to all the other boys here. . . Bakit ba mashado kayong affected dyan sa number 10 na yan. . . .does it describe ur current situations RIGHT NOW?? . ,
Wag sanang mapabilang sa mahihinang klase ng lalake ang mga boys ng cgp. . Hindi nasusukat ang pagkalalake nyo sa kung gano karami ang kaya nyong hawakan.
Mas mailap, mas yummy. . Nakakadagdap pa ng respeto.

KettleRenderer
Kerengkeng
Kerengkeng

Number of posts : 1688
Age : 38
Location : Singapore, Turkey, Russia, Africa, Brazil
Registration date : 18/09/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by Leslie Adona on Mon May 11, 2009 6:32 am

@to all the other boys here. . . Bakit ba mashado kayong affected dyan sa number 10 na yan. . . .does it describe ur current situations RIGHT NOW?? . ,
Wag sanang mapabilang sa mahihinang klase ng lalake ang mga boys ng cgp. . Hindi nasusukat ang pagkalalake nyo sa kung gano karami ang kaya nyong hawakan.
Mas mailap, mas yummy. . Nakakadagdap pa ng respeto.


Hahahah kaya Idol kita eh.... 2thumbsup Yan mga Boys Basahin nyo ang sinabi nya at ng kayo ay matauhan..wag kayong maging sakim..Tma na yang hinahawakan nyo at wag na kayong humanap ng iba pang hahawakan...

Suggestion, bitawan nyo muna ang hinahawakan nyo bago kayo humanap ng hahawakang iba.....hahahaha..ay ano ba ito puro hawak ang sinabi ko wala na akong naiintindihan... Rolling Eyes

Leslie Adona
Prinsesa
Prinsesa

Number of posts : 734
Age : 38
Location : Beijing, China
Registration date : 13/10/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by qui gon on Mon May 11, 2009 6:56 am

Leslie Adona wrote:
kurdaps! wrote:
pixelburn wrote:
kurdaps! wrote:

Bob Ong’s Philosophy on Love...

10. “Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

Now i know

Tsikboy ang mag-react nito! Laughing

peace man

hahahaha yan ang para sa mga BABAERO.... Very Happy

hindi naman...kayo talaga oh malay nyo sadyang mapagmahal lang yung tao....hi hi hi

qui gon
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 498
Age : 38
Location : Antipolo, Hongkong, Qatar-Dubai-Bahrain
Registration date : 16/12/2008

View user profile http://lycan082678.multiply.com

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by pixelburn on Mon May 11, 2009 6:59 am

hi leslie, may nakahawak ba sayo ngaun?
Rolling Eyes

pixelburn
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1436
Age : 32
Location : Dubai, SAN PEDRO, LAGUNA, Brunei Darrusalam
Registration date : 09/04/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by qui gon on Mon May 11, 2009 7:02 am

kurdaps! wrote:Bob Ong’s Philosophy on Love...

9. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”



ayun oh!! panalo.

qui gon
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 498
Age : 38
Location : Antipolo, Hongkong, Qatar-Dubai-Bahrain
Registration date : 16/12/2008

View user profile http://lycan082678.multiply.com

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by KettleRenderer on Mon May 11, 2009 7:22 am

@pixelburn. . . Walang nakahawak key Leslie ngaun. . Pero paalam ka muna sa kuya nya. Si kuya Nomer.

KettleRenderer
Kerengkeng
Kerengkeng

Number of posts : 1688
Age : 38
Location : Singapore, Turkey, Russia, Africa, Brazil
Registration date : 18/09/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by virus on Mon May 11, 2009 7:43 am

@to all the other boys here. . . Bakit ba mashado kayong affected dyan sa number 10 na yan. . . .does it describe ur current situations RIGHT NOW?? . ,
Wag sanang mapabilang sa mahihinang klase ng lalake ang mga boys ng cgp. . Hindi nasusukat ang pagkalalake nyo sa kung gano karami ang kaya nyong hawakan.
Mas mailap, mas yummy. . Nakakadagdap pa ng respeto.

oo nga anu ate... la pa ako nahahawakn ehh.. sinu pwede jan? Twisted Evil

virus
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 380
Age : 29
Location : baguio(taga sungkit ng sayote)
Registration date : 04/03/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by Leslie Adona on Mon May 11, 2009 9:21 am

pixelburn wrote:hi leslie, may nakahawak ba sayo ngaun?
Rolling Eyes

Walang may hawak sa akin ngayon..Pero ayaw ko naring magpahawak dahil sa kadalasan ang mga taong humahawak sa akin ay lingid sa akin kaalaman ay marami pa palang hinahawakan...hahahaha...ay sorry mukhang bitter na ang labas ko...hehehehe peace man

Leslie Adona
Prinsesa
Prinsesa

Number of posts : 734
Age : 38
Location : Beijing, China
Registration date : 13/10/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by jenaro on Mon May 11, 2009 9:23 am

Leslie Adona wrote:
pixelburn wrote:hi leslie, may nakahawak ba sayo ngaun?
Rolling Eyes

Walang may hawak sa akin ngayon..Pero ayaw ko naring magpahawak dahil sa kadalasan ang mga taong humahawak sa akin ay lingid sa akin kaalaman ay marami pa palang hinahawakan...hahahaha...ay sorry mukhang bitter na ang labas ko...hehehehe peace man
di naman obvious ate!hehehhehehe

jenaro
Peter Pran
Peter Pran

Number of posts : 3132
Age : 35
Location : sharjah
Registration date : 22/01/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by KettleRenderer on Mon May 11, 2009 9:46 am

Leslie, mas mey kapangyarihan kang umintindi at umunawa ng kakulangan ng kapwa mo. .
Basta lagi mong tatandaan ang mga sumusunod

Respect the elders and the feeling elders.
Be kind to animals in human form.
What you say or do reflects the color of your heart.

Ipagdasal mo na lang na sana kunin na sila ni Lord..

Wag kang bitter, be glad it happen. Masarap pa rin ang mey minamahal. Nakakaganda na, nakakapag pasaya pa. . .

KettleRenderer
Kerengkeng
Kerengkeng

Number of posts : 1688
Age : 38
Location : Singapore, Turkey, Russia, Africa, Brazil
Registration date : 18/09/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by pixelburn on Mon May 11, 2009 9:52 am

KettleRenderer wrote:

Ipagdasal mo na lang na sana kunin na sila ni Lord..


wag naman sana hehehe!! marami pa kaming pangarap

KettleRenderer wrote: Wag kang bitter, be glad it happen. Masarap pa rin ang mey minamahal. Nakakaganda na, nakakapag pasaya pa. . .

"at nakakabulag"
Very Happy

pixelburn
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1436
Age : 32
Location : Dubai, SAN PEDRO, LAGUNA, Brunei Darrusalam
Registration date : 09/04/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by pixelburn on Mon May 11, 2009 9:54 am

Leslie Adona wrote:
pixelburn wrote:hi leslie, may nakahawak ba sayo ngaun?
Rolling Eyes

Walang may hawak sa akin ngayon..Pero ayaw ko naring magpahawak dahil sa kadalasan ang mga taong humahawak sa akin ay lingid sa akin kaalaman ay marami pa palang hinahawakan...hahahaha...ay sorry mukhang bitter na ang labas ko...hehehehe peace man

Sad (bigo)

pixelburn
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1436
Age : 32
Location : Dubai, SAN PEDRO, LAGUNA, Brunei Darrusalam
Registration date : 09/04/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by christine on Mon May 11, 2009 10:47 am

KettleRenderer wrote:..... Masarap pa rin ang mey minamahal. Nakakaganda na, nakakapag pasaya pa. . .

kingI love youqueen oo nga.... Embarassed wala ba tayong Love Thread? para mas masaya hehehe... Very Happy

christine
The Bride
The Bride

Number of posts : 1241
Age : 30
Location : Singapore
Registration date : 18/09/2008

View user profile http://christinevaliente.wix.com/designs

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by 3DZONE on Mon May 11, 2009 2:26 pm

mam christine... idea mo yang LOVE thread kaya ikaw na mag simula nyan....i'm sure sticky kaagad yan... peace man Laughing

_________________
Every man's work,
whether it be literature
or music or pictures
or architecture or anything else,
is always a portrait of himself

3DZONE
Cube Spinner
Cube Spinner

Number of posts : 3833
Age : 41
Location : Abu Dhabi U.A.E.
Registration date : 20/12/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by mechanic on Mon May 11, 2009 11:08 pm

simulan na ang Love thread!

mechanic
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 307
Age : 41
Location : digos/davao
Registration date : 24/02/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by kurdaps! on Mon May 11, 2009 11:21 pm

---------------> >>>THE LOVE THREAD<<<

_________________
Happy moments:PRAISE GOD. Difficult  moments:SEEK GOD.
Quiet moments:WORSHIP GOD. Painful moments:TRUST GOD.
Every moment:THANK  GOD.


kurdaps!
Super Moderator
Super Moderator

Number of posts : 5056
Age : 39
Location : aan-dxb-aan
Registration date : 18/09/2008

View user profile http://www.sherwinboston.com

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by leeeeeeeee on Mon May 11, 2009 11:31 pm

KettleRenderer wrote:
. Hindi nasusukat ang pagkalalake nyo sa kung gano karami ang kaya nyong hawakan.
Mas mailap, mas yummy. . Nakakadagdap pa ng respeto.

hmmmn.... ehemmmmmmmmmmmzzzzz... .. Rolling Eyes

leeeeeeeee
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 799
Age : 33
Location : Brunei
Registration date : 18/09/2008

View user profile http://leeabrio.blogspot.com

Back to top Go down

Re: Dear Bob Ong......(Para sa mga torpe pagdating sa panliligaw )

Post by Sponsored content Today at 8:49 pm


Sponsored content


Back to top Go down

Page 3 of 5 Previous  1, 2, 3, 4, 5  Next

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 :: General :: Tambayan

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum