OFW at iba pa.

 :: General :: Tambayan

Page 1 of 3 1, 2, 3  Next

View previous topic View next topic Go down

OFW at iba pa.

Post by mammoo_03 on Sun May 31, 2009 12:14 am

share ko lang ito sa ating mga kabayan dyan.

message:
Sa may asawa, kapatid, anak, kaibigan, at kamag-anak na OFW.
At lalo na sa mga gustong mangibang-bansa. ..
Nais ko rin ibahagi sa inyo, ang natanggap kong email na ito.
Maaaring makatulong ito upang lalong maintindihan ng bawa't isa ang
tunay na ibig sabihin ng pagiging isang OFW. Tiyak na may mapupulot
tayong aral dito.

Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na 'pag OFW o nasa abroad ay
mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P20K-P300K
per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas
malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!).

Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming
bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa
Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition
ng anak at gastusin ng pamilya.

Mahirap maging OFW - Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang
pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira
para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan
eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na magtiis
sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon
kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o
naghihintay sa probinsya. Alam mo naman 'pag Pinoy, yung tsismis na OFW
ka eh surely attracts a lot of kin.

Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan
ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga
pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga
Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to
their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi
kawawa naman pamilya 'pag umuwi.

Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon.
Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis
lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang
nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working
conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay
na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".

Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine.
Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at
nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally
o spiritually man lang.

Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot
at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension,
coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work
thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad,
20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa
rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya - ang anak
adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na
kanta dati, "NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"

Bayani ang OFW - Totoo yun! Ngayon ko lang na-realize na bayani ang
OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor
Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni
Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang
pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang
suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa
trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o
senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.

Matindi ang OFW - Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches
which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero
walang makitang tangible solutions or consequences.

Malas ng OFW, swerte ng pulitiko - Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng
autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa
sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of
tears. Kapag dumadating, swerte 'pag may sundo( madalas meron). Kapag
naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak.

Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko
nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila
naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng
paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than
favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang
swerte nila.

Matatag ang OFW - Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano
pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at
counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam
kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya? o may tsansa pa ba?

Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga
anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng
bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng
pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala
mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines, iba pa rin kapag Pinoy
ang kasama mo (except 'pag kupal at utak-talangka) , iba pa rin 'pag
nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang
tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika." "Mingaw na ko nimo ba,
kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba
pa rin talaga.

Sige lang, tiis lang, saan ba't darating din ang pag-asa.
Kung OFW ka at binabasa mo ito, mabuhay ka dahil ikaw ang tunay na BAYANI ng lahing PILIPINO!!!

mammoo_03
The Exhibitioner
The Exhibitioner

Number of posts : 2417
Age : 37
Location : manila, makati, dubai
Registration date : 20/09/2008

View user profile http://www.coroflot.com/archmlcm

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by 3DZONE on Sun May 31, 2009 12:19 am

Naantig naman ang damdamin ko dito bro, salamat sa Moral Boost. Very Happy peace man

_________________
Every man's work,
whether it be literature
or music or pictures
or architecture or anything else,
is always a portrait of himself

3DZONE
Cube Spinner
Cube Spinner

Number of posts : 3833
Age : 41
Location : Abu Dhabi U.A.E.
Registration date : 20/12/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by chevy chase on Sun May 31, 2009 12:24 am

tama ka kaibigan. mabuhay po tayo.

chevy chase
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 246
Age : 40
Location : philippines
Registration date : 18/01/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by denz_arki2008 on Sun May 31, 2009 12:24 am

tama lahat to bro....................... Sad

denz_arki2008
Punk Zappa
Punk Zappa

Number of posts : 1342
Registration date : 23/09/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by mammoo_03 on Sun May 31, 2009 12:25 am

yup, i think nowadays, eh kailangan natin ito mga kapatid. to keep the spirit and the value of working abroad. god bless po.

mammoo_03
The Exhibitioner
The Exhibitioner

Number of posts : 2417
Age : 37
Location : manila, makati, dubai
Registration date : 20/09/2008

View user profile http://www.coroflot.com/archmlcm

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by pixelburn on Sun May 31, 2009 12:28 am

isa sa problema at malimit na tinitiis ng mga OFW ay discrimination...
ung mga ibang lahi, tingin nila sa sarili nila ay mas superior sila... superior sa putok.... Smile

pixelburn
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1436
Age : 32
Location : Dubai, SAN PEDRO, LAGUNA, Brunei Darrusalam
Registration date : 09/04/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by charles_manson on Sun May 31, 2009 12:29 am

HABANG BUHAY NA LANG BA TAYO MAGIGING OFW? HIRAP KASI SA ATIN MGA NEGOSYANTE LANG YUMAYAMAN,IILANG MGA ELITISTA LANG ANG NAPAPAKASASA AT NAKIKINABANG SA MGA PINAGHIHIRAPAN NANG MGA MANGAGAWANG PINOY,DAPAT MAGING RESONABLE NAMAN ANG SAHOD DUN,ITAAS NA NILA, ATA SAKA TANGGALIN NANG KONTRAKLISASYON AT AGE LIMIT SA ATIN PARA MAKAPAGTRABAHO ANG IBA,LALO NA YUNG MAY EDAD TULAD KO,HEHEHE

WALANG MANGYAYARI WALANG MABABAGO KUNG ANG NAGPAPATAKBO AY PURO GAGO

REBOLOSYUN!!! hippie

charles_manson
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 122
Age : 45
Location : samar,philippines
Registration date : 05/05/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by kurdaps! on Sun May 31, 2009 12:32 am

charles_manson wrote:HABANG BUHAY NA LANG BA TAYO MAGIGING OFW? HIRAP KASI SA ATIN MGA NEGOSYANTE LANG YUMAYAMAN,IILANG MGA ELITISTA LANG ANG NAPAPAKASASA AT NAKIKINABANG SA MGA PINAGHIHIRAPAN NANG MGA MANGAGAWANG PINOY,DAPAT MAGING RESONABLE NAMAN ANG SAHOD DUN,ITAAS NA NILA, ATA SAKA TANGGALIN NANG KONTRAKLISASYON AT AGE LIMIT SA ATIN PARA MAKAPAGTRABAHO ANG IBA,LALO NA YUNG MAY EDAD TULAD KO,HEHEHE

WALANG MANGYAYARI WALANG MABABAGO KUNG ANG NAGPAPATAKBO AY PURO GAGO

REBOLOSYUN!!! hippie

Wag lang po caps lock sir, para kasi kayung sumisigaw nyan e.... Laughing

Thanks for understanding... Wink

_________________
Happy moments:PRAISE GOD. Difficult  moments:SEEK GOD.
Quiet moments:WORSHIP GOD. Painful moments:TRUST GOD.
Every moment:THANK  GOD.


kurdaps!
Super Moderator
Super Moderator

Number of posts : 5056
Age : 38
Location : aan-dxb-aan
Registration date : 18/09/2008

View user profile http://www.sherwinboston.com

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by mammoo_03 on Sun May 31, 2009 12:32 am

pixelburn wrote:isa sa problema at malimit na tinitiis ng mga OFW ay discrimination...
ung mga ibang lahi, tingin nila sa sarili nila ay mas superior sila... superior sa putok.... Smile

hehehe, i second emotion sir, kung ang kidlat ay naghahanap nang mababahong tao, malamang kakaunti nalang tayo, bwahahahhaaha, especially sa gulf countries, lol lol!

mammoo_03
The Exhibitioner
The Exhibitioner

Number of posts : 2417
Age : 37
Location : manila, makati, dubai
Registration date : 20/09/2008

View user profile http://www.coroflot.com/archmlcm

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by mammoo_03 on Sun May 31, 2009 12:33 am

charles_manson wrote:HABANG BUHAY NA LANG BA TAYO MAGIGING OFW? HIRAP KASI SA ATIN MGA NEGOSYANTE LANG YUMAYAMAN,IILANG MGA ELITISTA LANG ANG NAPAPAKASASA AT NAKIKINABANG SA MGA PINAGHIHIRAPAN NANG MGA MANGAGAWANG PINOY,DAPAT MAGING RESONABLE NAMAN ANG SAHOD DUN,ITAAS NA NILA, ATA SAKA TANGGALIN NANG KONTRAKLISASYON AT AGE LIMIT SA ATIN PARA MAKAPAGTRABAHO ANG IBA,LALO NA YUNG MAY EDAD TULAD KO,HEHEHE

WALANG MANGYAYARI WALANG MABABAGO KUNG ANG NAGPAPATAKBO AY PURO GAGO

REBOLOSYUN!!! hippie

relax lang sir, hehehe, lamig lang kung baga, hehehe....

mammoo_03
The Exhibitioner
The Exhibitioner

Number of posts : 2417
Age : 37
Location : manila, makati, dubai
Registration date : 20/09/2008

View user profile http://www.coroflot.com/archmlcm

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by chevy chase on Sun May 31, 2009 12:36 am

pixelburn wrote:isa sa problema at malimit na tinitiis ng mga OFW ay discrimination...
ung mga ibang lahi, tingin nila sa sarili nila ay mas superior sila... superior sa putok.... Smile

wahahaha!!! totoo yan ser... sana po isang araw e may malawakang tawag, e-mail, anunsyo sa tabloid na PINAUUWI NA PO TAYO DAHIL MAGANDA NA PO ANG EKONOMIYA NATIN at di napo narin kaylangang mag abroad pa. Is it possible? may pag asa pa po ba? paumanhin po sa caps.

chevy chase
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 246
Age : 40
Location : philippines
Registration date : 18/01/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by mammoo_03 on Sun May 31, 2009 12:44 am

possible kung ang uunahin nang ating congress or senator ay yung automated election at hindi yang scandal case ni hayden. hayyyy, pinoy politics nga naman.

mammoo_03
The Exhibitioner
The Exhibitioner

Number of posts : 2417
Age : 37
Location : manila, makati, dubai
Registration date : 20/09/2008

View user profile http://www.coroflot.com/archmlcm

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by charles_manson on Sun May 31, 2009 12:45 am

sorry po sir na dala lang sa emosyon,hehehe Very Happy

charles_manson
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 122
Age : 45
Location : samar,philippines
Registration date : 05/05/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by mammoo_03 on Sun May 31, 2009 12:48 am

charles_manson wrote:sorry po sir na dala lang sa emosyon,hehehe Very Happy

ayos lang sir, hehehe, peace man

mammoo_03
The Exhibitioner
The Exhibitioner

Number of posts : 2417
Age : 37
Location : manila, makati, dubai
Registration date : 20/09/2008

View user profile http://www.coroflot.com/archmlcm

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by pixelburn on Sun May 31, 2009 12:50 am

charles_manson wrote:sorry po sir na dala lang sa emosyon,hehehe Very Happy

i humbly condole with your grievances and sorrows,,, and i think everybody does.....

pixelburn
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1436
Age : 32
Location : Dubai, SAN PEDRO, LAGUNA, Brunei Darrusalam
Registration date : 09/04/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by ortzak on Sun May 31, 2009 12:59 am

Amen to that my friends.Tyaga lang talaga. Very Happy
at kaunting tyaga makaka ahon din tayo.

ortzak
CGP Expert
CGP Expert

Number of posts : 4554
Age : 45
Location : City Of Angels
Registration date : 14/01/2009

View user profile http://plandesignvisualize.blogspot.com

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by Joaquin on Sun May 31, 2009 1:00 am

Sir charles,

hindi ka nag-iisa kht dito sa adelaide malakas ang discrimination kailangan mong magtrbho ng double ksa sa puti na counterpart mo eh parehas lng nmn ang ginagawa nyo pero dun sa sahod dun kayo talo.

dahil pag asiano ka liit ng bigay sayo ksa sa puti na wala naman puhunan kung hindi salita lng..

Joaquin
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 170
Age : 36
Location : Adelaine Australia
Registration date : 03/05/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by jds on Sun May 31, 2009 1:05 am

ok lng yan mga bros. oo bayani tayu at alam ko lahat may pangarap wala naman kaso un. at im sure marami satin ang pagod na. wala tyung magagawa pinanganak tyu sa hirap. pero d nalng sa lahat ng panahon eh mag sesenti tyu. think of the positive things. dmo lng alam kung gaano ka ka swerte. and stop plsssssssss stop comparing. dahil dmaganda ang idudulot nyan. kahit wala ka maipon isipin mo nalng na maysilbi ka which is very very important sa lahat ng tao dahil may respeto sila syu at hindi kaya bilhin ng kung sino man ang respeto pinagpapaguran un. minsan kc nagddaan din ako sa ganyan(kahit ngayun padin) and nung nag vacation ako sa pinas. i realize something lalo na nung nakita ko ung isang mama sa ilalim ng underpass na nag titinda bukayo worth 5php sa napakainit na lugar. imagine kung gaano tyu ka swerte? it doesnt matter kung maging mayamanka or mahirap. as long na alam mong nakakatulong ka eh ok nayun. masmasarap maging mayaman s kaibgan kaysa mayaman sa pera. so sa lahat ng ofw. time will pass kailangan lang natin maging masaya kung anu meron tyu. walang tao na walang problema no. to make it short keep our spirit up!! and always do the best for others... yan ang totoong pinoy para sakin! hindi ung puro kwento at dkayang harapin ang katotohanan... un lng god bless po sa lahat specially OFW's peace man inuman na manny

jds
Son of Sketchup
Son of Sketchup

Number of posts : 415
Age : 33
Registration date : 21/09/2008

View user profile http://www.santosjdportfolio.blogspot.com/

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by mammoo_03 on Sun May 31, 2009 1:09 am

jds wrote:ok lng yan mga bros. oo bayani tayu at alam ko lahat may pangarap wala naman kaso un. at im sure marami satin ang pagod na. wala tyung magagawa pinanganak tyu sa hirap. pero d nalng sa lahat ng panahon eh mag sesenti tyu. think of the positive things. dmo lng alam kung gaano ka ka swerte. and stop plsssssssss stop comparing. dahil dmaganda ang idudulot nyan. kahit wala ka maipon isipin mo nalng na maysilbi ka which is very very important sa lahat ng tao dahil may respeto sila syu at hindi kaya bilhin ng kung sino man ang respeto pinagpapaguran un. minsan kc nagddaan din ako sa ganyan(kahit ngayun padin) and nung nag vacation ako sa pinas. i realize something lalo na nung nakita ko ung isang mama sa ilalim ng underpass na nag titinda bukayo worth 5php sa napakainit na lugar. imagine kung gaano tyu ka swerte? it doesnt matter kung maging mayamanka or mahirap. as long na alam mong nakakatulong ka eh ok nayun. masmasarap maging mayaman s kaibgan kaysa mayaman sa pera. so sa lahat ng ofw. time will pass kailangan lang natin maging masaya kung anu meron tyu. walang tao na walang problema no. to make it short keep our spirit up!! and always do the best for others... yan ang totoong pinoy para sakin! hindi ung puro kwento at dkayang harapin ang katotohanan... un lng god bless po sa lahat specially OFW's peace man inuman na manny

approved ito sir jds, thanks po sa pagdaan at comments.

mammoo_03
The Exhibitioner
The Exhibitioner

Number of posts : 2417
Age : 37
Location : manila, makati, dubai
Registration date : 20/09/2008

View user profile http://www.coroflot.com/archmlcm

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by ARCHITHEKTHURA on Sun May 31, 2009 1:10 am

AKo sawa na ko sa mga issues sa Pilipinas..Parang mga sira nga mga pulitiko e.Imagine ang daming dapat asikasuhin pero ngayon ano ang balita??Scandal ng mga taong walang magawa>?Yun pinagkakaabalahan nila?Pinagtuunan ng pansin?Bkit ilan na ba ang biktima ng scandal na yan?libo na ata e..Pero bakit ganun?Kse celebrity tong mga to??Hayyyyy.... Sad Philipine Government is a BIG JOKE!as in...Joke talga..hehehehehe..

Thanks sir mammo for sharing..I can see a lot of those and somerimes cant help but just pray for their safety and good health.Thats the least i can do.

_________________
artworks and photographs
https://www.facebook.com/jeffrey.faranial/photos_albums

ARCHITHEKTHURA
The Groom
The Groom

Number of posts : 1122
Age : 56
Location : Dubai,United Arab Emirates
Registration date : 05/05/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by kurdaps! on Sun May 31, 2009 1:12 am

Now you all know why we are here working abroad....

_________________
Happy moments:PRAISE GOD. Difficult  moments:SEEK GOD.
Quiet moments:WORSHIP GOD. Painful moments:TRUST GOD.
Every moment:THANK  GOD.


kurdaps!
Super Moderator
Super Moderator

Number of posts : 5056
Age : 38
Location : aan-dxb-aan
Registration date : 18/09/2008

View user profile http://www.sherwinboston.com

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by mammoo_03 on Sun May 31, 2009 1:19 am

welcome po sir jeff.

mammoo_03
The Exhibitioner
The Exhibitioner

Number of posts : 2417
Age : 37
Location : manila, makati, dubai
Registration date : 20/09/2008

View user profile http://www.coroflot.com/archmlcm

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by ARCHITHEKTHURA on Sun May 31, 2009 1:21 am

jds wrote:ok lng yan mga bros. oo bayani tayu at alam ko lahat may pangarap wala naman kaso un. at im sure marami satin ang pagod na. wala tyung magagawa pinanganak tyu sa hirap. pero d nalng sa lahat ng panahon eh mag sesenti tyu. think of the positive things. dmo lng alam kung gaano ka ka swerte. and stop plsssssssss stop comparing. dahil dmaganda ang idudulot nyan. kahit wala ka maipon isipin mo nalng na maysilbi ka which is very very important sa lahat ng tao dahil may respeto sila syu at hindi kaya bilhin ng kung sino man ang respeto pinagpapaguran un. minsan kc nagddaan din ako sa ganyan(kahit ngayun padin) and nung nag vacation ako sa pinas. i realize something lalo na nung nakita ko ung isang mama sa ilalim ng underpass na nag titinda bukayo worth 5php sa napakainit na lugar. imagine kung gaano tyu ka swerte? it doesnt matter kung maging mayamanka or mahirap. as long na alam mong nakakatulong ka eh ok nayun. masmasarap maging mayaman s kaibgan kaysa mayaman sa pera. so sa lahat ng ofw. time will pass kailangan lang natin maging masaya kung anu meron tyu. walang tao na walang problema no. to make it short keep our spirit up!! and always do the best for others... yan ang totoong pinoy para sakin! hindi ung puro kwento at dkayang harapin ang katotohanan... un lng god bless po sa lahat specially OFW's peace man inuman na manny


I agree bro..Yeah mga katulad natin bro dito sa abroad e ok..Maganda workplace natin.Komportable..Malamig kse naka AC khit san ka magpunta.Sumasahod tayo ng on time at ok nmn ang kita.Pero ive seen a lot of people here in Middle east na masasabi kung mas maswerte pa din yung nakaupo sa ilalim ng underpass at nagtitinda ng bukayo.Alam mo nmn cguro what i mean..I lot of cases hindi lang discrimination.Sorry bro cguro when i was in the Philippine embassy last weekend i saw a lot of things na di ako makapaniwala pano nagagawa ng mga arabo yung mga ganun. Hindi ko nmn sila nilalahat alam ko din na some Filipinos e tamad and matigas ang ulo din. Pero i think 90% of them is pinagsamantalhan at talgang inabuso.Well ganun talga ang buhay.Kaya pasalamat na lng talaga tayo we are in good conditions.Cheers everyone!

_________________
artworks and photographs
https://www.facebook.com/jeffrey.faranial/photos_albums

ARCHITHEKTHURA
The Groom
The Groom

Number of posts : 1122
Age : 56
Location : Dubai,United Arab Emirates
Registration date : 05/05/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by 3DZONE on Sun May 31, 2009 1:25 am

ARCHITHEKTHURA wrote:AKo sawa na ko sa mga issues sa Pilipinas..Parang mga sira nga mga pulitiko e.Imagine ang daming dapat asikasuhin pero ngayon ano ang balita??Scandal ng mga taong walang magawa>?Yun pinagkakaabalahan nila?Pinagtuunan ng pansin?Bkit ilan na ba ang biktima ng scandal na yan?libo na ata e..Pero bakit ganun?Kse celebrity tong mga to??Hayyyyy.... Sad Philipine Government is a BIG JOKE!as in...Joke talga..hehehehehe..

Thanks sir mammo for sharing..I can see a lot of those and somerimes cant help but just pray for their safety and good health.Thats the least i can do.

nagulat ako dito ah....calm down lang sir jeff...pag-uwi natin...wewelgahan natin yang mga yan peace man Very Happy

_________________
Every man's work,
whether it be literature
or music or pictures
or architecture or anything else,
is always a portrait of himself

3DZONE
Cube Spinner
Cube Spinner

Number of posts : 3833
Age : 41
Location : Abu Dhabi U.A.E.
Registration date : 20/12/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by pixelburn on Sun May 31, 2009 1:26 am

ARCHITHEKTHURA wrote: Sorry bro cguro when i was in the Philippine embassy last weekend i saw a lot of things na di ako makapaniwala pano nagagawa ng mga arabo yung mga ganun. Hindi ko nmn sila nilalahat alam ko din na some Filipinos e tamad and matigas ang ulo din. Pero i think 90% of them is pinagsamantalhan at talgang inabuso.Well ganun talga ang buhay.Kaya pasalamat na lng talaga tayo we are in good conditions.Cheers everyone!

yeah! i think this is the truth,,, we cant deny the real situation...

pixelburn
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1436
Age : 32
Location : Dubai, SAN PEDRO, LAGUNA, Brunei Darrusalam
Registration date : 09/04/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by Sponsored content Today at 9:36 am


Sponsored content


Back to top Go down

Page 1 of 3 1, 2, 3  Next

View previous topic View next topic Back to top


 :: General :: Tambayan

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum