OFW at iba pa.

 :: General :: Tambayan

Page 3 of 3 Previous  1, 2, 3

View previous topic View next topic Go down

OFW at iba pa.

Post by mammoo_03 on Sun May 31, 2009 12:14 am

First topic message reminder :

share ko lang ito sa ating mga kabayan dyan.

message:
Sa may asawa, kapatid, anak, kaibigan, at kamag-anak na OFW.
At lalo na sa mga gustong mangibang-bansa. ..
Nais ko rin ibahagi sa inyo, ang natanggap kong email na ito.
Maaaring makatulong ito upang lalong maintindihan ng bawa't isa ang
tunay na ibig sabihin ng pagiging isang OFW. Tiyak na may mapupulot
tayong aral dito.

Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na 'pag OFW o nasa abroad ay
mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P20K-P300K
per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas
malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (amen!).

Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming
bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa
Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition
ng anak at gastusin ng pamilya.

Mahirap maging OFW - Kailangan magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang
pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira
para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan
eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na magtiis
sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon
kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o
naghihintay sa probinsya. Alam mo naman 'pag Pinoy, yung tsismis na OFW
ka eh surely attracts a lot of kin.

Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan
ka na. Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga
pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga
Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to
their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi
kawawa naman pamilya 'pag umuwi.

Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon.
Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis
lang kahit maraming kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang
nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working
conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapadala ka na, okay
na, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".

Hindi bato ang OFW - Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine.
Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at
nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally
o spiritually man lang.

Tumatanda rin ang OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot
at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension,
coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work
thinking about the family they left behind. Marami ang nasa abroad,
20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pakahirap, sablay pa
rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya - ang anak
adik o nabuntis; ang asawa may kabit. Naalala ko tuloy ang sikat na
kanta dati, "NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"

Bayani ang OFW - Totoo yun! Ngayon ko lang na-realize na bayani ang
OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor
Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni
Rizal o Bonifacio. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang
pinapasok ng OFW para lang mabuhay. Mas maraming pulitika ang kailangang
suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't kupal ang mga kasama sa
trabaho. Mas mahaba ang pasensya kaysa sa mga ordinaryong kongresista o
senador sa Philippines dahil sa takot na mawalan ng sweldo.

Matindi ang OFW - Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches
which survived the cataclysmic evolution. Maraming sakripisyo pero
walang makitang tangible solutions or consequences.

Malas ng OFW, swerte ng pulitiko - Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng
autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap!). Madalas nasa
sidelines lang ang OFW. Kapag umaalis, malungkot and on the verge of
tears. Kapag dumadating, swerte 'pag may sundo( madalas meron). Kapag
naubos na ang ipon, wala ng kamag-anak.

Sana sikat ang OFW para may boses sa Kamara. Ang swerte ng mga politiko
nakaupo sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila
naiinitan o napapaso ng langis, o napagagalitan ng amo, o kumakain ng
paksiw para makatipid, o nakatira sa compound with conditions less than
favorable, o nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte, sobrang
swerte nila.

Matatag ang OFW - Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano
pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at
counter-attacks. Tatagal ba ang OFW? Tatagal pa kasi hindi pa natin alam
kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya? o may tsansa pa ba?

Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga
anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos. Masarap kumain ng sitaw, ng
bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka. Masarap manood ng
pelikulang Pinoy, luma man o bago. Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala
mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines, iba pa rin kapag Pinoy
ang kasama mo (except 'pag kupal at utak-talangka) , iba pa rin 'pag
nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo. Iba pa rin ang
tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika." "Mingaw na ko nimo ba,
kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba". Iba
pa rin talaga.

Sige lang, tiis lang, saan ba't darating din ang pag-asa.
Kung OFW ka at binabasa mo ito, mabuhay ka dahil ikaw ang tunay na BAYANI ng lahing PILIPINO!!!
avatar
mammoo_03
The Exhibitioner
The Exhibitioner

Number of posts : 2417
Age : 38
Location : manila, makati, dubai
Registration date : 20/09/2008

View user profile http://www.coroflot.com/archmlcm

Back to top Go down


Re: OFW at iba pa.

Post by charles_manson on Mon Jun 01, 2009 5:13 am

1. paano mong masasabing bayani ang mga ofw na may asawa o karelasyon sa pinas then pagdating sa ibang bansa ay nagagawa nilang makipagrelasyon pa sa iba and nakukuha pa nilang gawing biro ang ginagawa nila?
2. paano mo masasabing bayani ang mga ofw na sa halip na tumulong sa kapwa pinoy ay sya pa ang nagsusumbong sa pulis (CID) para pagkakitaan per head?
3. paano mo sasabihing bayani ang mga ofw na kung magpaupa ay sobra-sobra ang patong sa room na nakuha lang naman nila ng mura? hindi masama ang magpatong wag lang sobra na nakalibre ka na sa rent (in return extra kita na ung accomodation allowance na bigay ng company) then magdagdag ka pa ulit ng extra income na mga pinoy din naman na hindi kalakihan ang sweldo ang mahihirapan.
4. paano mo masasabing bayani ang mga ofw na nangungupit sa company?
5. paano mo masasabing bayani ang ofw na super laki ng salary na hindi naman talaga nakakaranas ng hirap working abroad kasi kasama nya halos buong angkan nya... sagot ng company ang pag-aaral ng anak nya. tirahan, may sasakyan pa. hehehe
6. paano mong sasabihin bayani ang ofw na ginagawang extra source of income ang pakikipagrelasyon?
7. paano magiging bayani ang ofw na kapag kinausap mo ang kanyang anak sa wikang sariling atin ay hindi ka nya maintindihan kasi english ang ipinamulat sa kanya ng mga magulang

kietsmark parang buhay sa dubai yang mga sinasabi mo a,hehehe
saktong sakto
Very Happy Very Happy

charles_manson
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 122
Registration date : 05/05/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by coffeeholic on Mon Jun 01, 2009 5:31 am

yup, i like this piece....

simply true Crazy_Lion
avatar
coffeeholic
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 119
Age : 33
Location : singapore
Registration date : 20/05/2009

View user profile http://www.grache.carbonmade.com

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by mannamanna on Wed Jun 03, 2009 11:22 am

Gusto ko lang pong susugan ang mga nasabi ng iba sa inyo at mag share na rin ng aking opinion...

Matagal na rin po akong OFW pero para sa akin over-rated po na turingin tayong bayani. Sa totoo lang walang pinag iba ang hirap ng pagtatrabaho natin sa mga naiwan sa pinas. Pero dahil mas malaki ang halaga ng ating oras sa labas nagkakaroon ng konsepto na sobrang naghihirap ang OFW sa trabaho nya.

Oo nandyan na nalulungkot tayo dahil malayo sa pamilya. Pero tama ang sinabi ng marami dito, bayani ka nga kung pinapanindigan mo ang iyong pagiging pamilyado. Maraming OFW ang ginagawang excuse ang lungkot para makipag relasyon. Napakarami po. Ano ang pinagkaiba ng hirap mo bilang OFW kumpara sa asawang naiwan na inaaruga at dinidisiplina ang mga anak sa araw araw? Tayo na OFW pagkatapos ng trabaho malaya tayong gawin ang kung anong makakapag aliw sa atin. Silang mga naiwan oo pwede rin pero hindi kasing laya natin dahil andyan ang buong kamag anak na me masasabi dahil nga "nagtitiis" ang OFW. Gasgas na rin po ang mga excuse sa mga asawang naiwan na na realize pala natin simula ng lumabas tayo na iba pala ang gusto natin sa buhay.. a.k.a. "we have grown apart" na ka eklatan.

Bakit ito ang isyu na pinagtutuunan ko ng pansin? Dahil sa darating na panahon ang pinas ay bubuuin ng mga nawasak na pamilya. At kung di natin naiintindihan ang implikasyon nito sa ating lahat, kawawa naman tayo. Sa tinatagal na na me mga OFW bakit hirap pa rin ang bansa natin? Alam ko we will all put much blame sa ating gobyerno. Kayo po? Ano sa palagay nyo? Di kaya dahil karamihan sa mga OFW e ayaw na naman talaga bumalik o ang bukambibig e dapat makalabas na rin lahat ng mga kamag anak? At dahil walang balak bumalik walang pakialam kung magbabago nga ang bansa o hindi.

Sa dami natin dapat matagal na po tayong naging isang malakas na boses ng pagbabago...

Dapat tantanan na yang bansag na bayani. Over rated.

mannamanna

Number of posts : 2
Age : 47
Location : Tandang Sora
Registration date : 03/06/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: OFW at iba pa.

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Page 3 of 3 Previous  1, 2, 3

View previous topic View next topic Back to top


 :: General :: Tambayan

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum