Warning sa mag "Bakasyonistang OFWs "

 :: General :: Tambayan

View previous topic View next topic Go down

Warning sa mag "Bakasyonistang OFWs "

Post by AUSTRIA on Sat Aug 01, 2009 10:50 pm

Sa mga di pa po nakakabasa sa Warning na ito gusto ko lang po I share sa inyo mga Cgpips lalo na sa uuwing
magbabakasyon Ito po ay na recieve ko lang sa email mula sa malapit kong kaibigan. Maraming Salamt po!!!!
God bless....


MAG INGAT KAYO…….. sa Metro Manila ….sa Pilipinas…

As received, Just would like to share this very important message for the hardworking fellow kababayans.. .


Mahalagang Paala-ala sa ating mga kababayan na nagsisikap na makapagpundar ng salapi para sa kanilang pamilya.

Narito ang isa sa karumaldumal sa gawain ng mga bayarin na alagad ng batas para sila ay magkamal ng salapi sa masamang paraan.

Kung kayo ay kumakain sa anumang restaurant o fastfood at halos ilang linggo pa lamang nakakarating galing sa ibang bansa ay mag-ingat kayo sa ganitong scenario.... ......habang kayo ay kumakain, may pwe-pwesto sa tapat ng lamesa nyo na isang tao (babae o lalaki) at ito ay kakain rin, kalimitan ang suot ay parang balikbayan din, malimit itong gagamit ng cellphone at malakas mag salita para makuha ang atensyon mo, at parang nagmamadali.

Bigla itong tatayo at a-akto na nagmamadali, mai-iwan sa table ang susi ng kotse nya, dito ay dapat kang mag-isip ng mabuti dahil sa oras na kunin mo! ang susi at ihabol sa labas ng fastfood o restaurant, para iabot sa umalis na customer ay pagdating sa labas ay hindi mo na makikita ang taong ito, sa puntong ito ay babalik ka sa loob ng fastfood or restaurant, biglang may lalapit syo na magpapakilalang pulis at sasabihin syo na ikaw ay suspect sa carnapping, at bubulungan ka na huwag mag-ingay at sumama sa labas dahil nandoon ang complainant, at may tatayo pa na apat na tao sa loob ng fastfood o restaurant at magpapakilalang mga intel agent, dito ay malilito ka na at mapipilitan kang sumama sa labas.

ITO AY ISANG MALINAW NA FRAME-UP.

Kapag kayo ay nasa labas na, dito na magaganap ang pagpilit syo na sumakay sa kotse nila upang ikaw daw dalhin sa presinto subalit dadalhin ka nila sa lugar na halos walang tao at doon ka tatakutin na ipa-pa-media at sasampahan ng kaso.

Ito na ang simula ng pag-alok nila sa iyo ng ibang option para hindi ka makasuhan, ito ay ang pagbibigay mo sa kanila ng pera,! una ay hihingan ka nila ng P500,000.00 hanggang sa makipag-negosiate ka sa kanila.

KAYA PO MGA KASAMANG MGA OFW, MAG-INGAT PO KAYO SA PAGMAMAGANDANG LOOB KAPAG NASA PILIPINAS, IWASAN PO NINYONG DAMPUTIN ANG ANO MANG BAGAY NA MAIIWAN NG MGA KUSTOMER NA AGAW-PANSIN.

IPAALAM PO NATIN ITO SA LAHAT NG ATING KASAMANG OFW AT MAGING SA MGA KAMAG-ANAK NATIN NA NASA PILIPINAS.

HINDI PO TAYO NAMUMULOT NG PERA PARA NAKAWIN SA ATIN NG MGA WALANG PUSONG NAGPAPAKILALANG ALAGAD NG BATAS ANG SALAPING ATING PINAGHIRAPAN, PATI PO ANG MAGANDANG PANGALAN NATIN AY KANILANG SISIRAIN.

Ito po ay nangyayari sa lugar ng Bulacan, Laguna, Antipolo, Bataan, at Quezon City .

_________________
"The Prayers of a righteous man is Powerful and Effective"



AUSTRIA
CGP Le Corbusier
CGP Le Corbusier

Number of posts : 2421
Age : 37
Location : Abu Dhabi UAE
Registration date : 19/09/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Warning sa mag "Bakasyonistang OFWs "

Post by mammoo_03 on Sat Aug 01, 2009 10:57 pm

salamat sir bong!!! ang masasabi ko sa kanilang mga g*g@ na yan, may araw din kayo!!! "every DOG, has its DAY!!!

mammoo_03
The Exhibitioner
The Exhibitioner

Number of posts : 2417
Age : 37
Location : manila, makati, dubai
Registration date : 20/09/2008

View user profile http://www.coroflot.com/archmlcm

Back to top Go down

Re: Warning sa mag "Bakasyonistang OFWs "

Post by SunDance on Sat Aug 01, 2009 11:05 pm

tnx for sharing... buti nlang wala p sa pampanga Laughing

SunDance
The Scavenger
The Scavenger

Number of posts : 1145
Age : 95
Location : bur dubai
Registration date : 23/09/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Warning sa mag "Bakasyonistang OFWs "

Post by bongskeigle on Sat Aug 01, 2009 11:10 pm

mg-ingat n lng cla nina XXX. Very Happy

bongskeigle
CGP Guru
CGP Guru

Number of posts : 1957
Age : 33
Location : Zebu
Registration date : 06/05/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Warning sa mag "Bakasyonistang OFWs "

Post by AUSTRIA on Sat Aug 01, 2009 11:15 pm

mammoo_03 wrote:salamat sir bong!!! ang masasabi ko sa kanilang mga g*g@ na yan, may araw din kayo!!! "every DOG, has its DAY!!!


Sa mga uuwi po galing abroad pabalik sa bansa natin Tips ko lang po sana wag kayong maglagay ng Cel number ninyo sa Maleta or Bag ninyo.... Kapag maglalagay kayo ng Address hanggat maari eh huwag na po Complete Address....
Like for example :Tayuman,Manila Phiippines lang ayos na yun basta tandaan mo lang mabuti ang Gamit ninyo..
Hope makatulong........... Wink


Last edited by AUSTRIA on Sat Aug 01, 2009 11:39 pm; edited 4 times in total

_________________
"The Prayers of a righteous man is Powerful and Effective"



AUSTRIA
CGP Le Corbusier
CGP Le Corbusier

Number of posts : 2421
Age : 37
Location : Abu Dhabi UAE
Registration date : 19/09/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Warning sa mag "Bakasyonistang OFWs "

Post by 3DZONE on Sat Aug 01, 2009 11:19 pm

dapat sa kanila ganito manny bandera
TFS bong

_________________
Every man's work,
whether it be literature
or music or pictures
or architecture or anything else,
is always a portrait of himself

3DZONE
Cube Spinner
Cube Spinner

Number of posts : 3833
Age : 41
Location : Abu Dhabi U.A.E.
Registration date : 20/12/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Warning sa mag "Bakasyonistang OFWs "

Post by Yhna on Sun Aug 02, 2009 4:54 am

whaaaaa.. thanks for sharing boss...
affraid antipolo pa nman ako. huhuhuhuh

_________________
this is not the END... but the NEW BEGINNING...

Yhna
Princess Gaara
Princess Gaara

Number of posts : 1886
Age : 31
Location : Qatar ...
Registration date : 27/11/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Warning sa mag "Bakasyonistang OFWs "

Post by Norman on Sun Aug 02, 2009 5:01 am

nakakakigigil naman talaga ang ganitong scenario...parang ayaw ko nang umuwi sa bansa natin...hay.......

Norman
CGP Expert
CGP Expert

Number of posts : 3228
Registration date : 21/06/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Warning sa mag "Bakasyonistang OFWs "

Post by Alapaap on Sun Aug 02, 2009 5:21 am

Minsan di natin maalis yan,nakakalimotan natin magingat kapag likas ka pa naman na matulongin lalo na chika beybs ang pain..tama ka sir Bong magingat lagi..

add ko lang huwag laging showi ang dating, na pinaalam sa madlang pipol na galing kang abroad..ang mga mata ng mga halimaw na yan nasa paligid lang nagmamatyag at nagaabang ng mabibihag...

kapag nangyari na masilo ka huwag magpapaniwala sa mga panakot at pulis kuno raw..kapag ganun tatawag ka kamo ng abogado mo..pero kapag binigyan ka ng poksa sa batok at sikmura, ang solusyon magskandalo ka para umagaw ng atensyon sa publiko at may magmalasakit ng sivilyan o parak..pagdumami tao maiilang na sila..kakalas na ang mga yan..ok lang mabatokan ka wag lang 500k..

kahit anong mangyari wag kang sasama at ipaglaban mo na wala kang ginagawang masama...kung totoong parak naman at nakargahan ka ng ibidensiya malas lang ...pero wag mo bigyan ng pera o umareglo,ilaban mo ang kaso at doon ka na lang gumastos..

Handa natin ang sarili natin lagi kahit san tayo naroroon..alamin ang pasikot sikot ng batas at lakaran o gapangan sa City Hall,baka sa piskalya pa lang di mo alam niluluto ka na magugulat ka na lang inakyat na sa korte ang kaso mo ..kapag wala kang idea diyan ubos ang pera mo di ka pa makatulog sa gabi dahil inaalala mo makukulong ka

Ingat lang lagi mga kabayan ko at wag lalakad ng nagiisa

Alapaap
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 895
Age : 80
Location : Rataq
Registration date : 20/10/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Warning sa mag "Bakasyonistang OFWs "

Post by AUSTRIA on Sun Aug 02, 2009 5:53 am

Alapaap wrote:Minsan di natin maalis yan,nakakalimotan natin magingat kapag likas ka pa naman na matulongin lalo na chika beybs ang pain..tama ka sir Bong magingat lagi..

add ko lang huwag laging showi ang dating, na pinaalam sa madlang pipol na galing kang abroad..ang mga mata ng mga halimaw na yan nasa paligid lang nagmamatyag at nagaabang ng mabibihag...

kapag nangyari na masilo ka huwag magpapaniwala sa mga panakot at pulis kuno raw..kapag ganun tatawag ka kamo ng abogado mo..pero kapag binigyan ka ng poksa sa batok at sikmura, ang solusyon magskandalo ka para umagaw ng atensyon sa publiko at may magmalasakit ng sivilyan o parak..pagdumami tao maiilang na sila..kakalas na ang mga yan..ok lang mabatokan ka wag lang 500k..

kahit anong mangyari wag kang sasama at ipaglaban mo na wala kang ginagawang masama...kung totoong parak naman at nakargahan ka ng ibidensiya malas lang ...pero wag mo bigyan ng pera o umareglo,ilaban mo ang kaso at doon ka na lang gumastos..

Handa natin ang sarili natin lagi kahit san tayo naroroon..alamin ang pasikot sikot ng batas at lakaran o gapangan sa City Hall,baka sa piskalya pa lang di mo alam niluluto ka na magugulat ka na lang inakyat na sa korte ang kaso mo ..kapag wala kang idea diyan ubos ang pera mo di ka pa makatulog sa gabi dahil inaalala mo makukulong ka

Ingat lang lagi mga kabayan ko at wag lalakad ng nagiisa

Thanks sa mga advices mo bro!!!! Tama ka rin walang manloloko kung walang magpapaloko.... Kung minsan nakakalungkot din kasi mismong official pa nagsisimula ang panloloko lalo na sa Airport grabe kaya Mag ingat din kayo diyan madaming
"Crocodile" nakalimutan na nila na malaking tulong ang mga OFWs sa bansa natin. Kahit ang nakakaawang 'Maid' tinatalo pa
kakarampot na lang ang sahod dedelihinsyahan pa. Ako mismo ang saksi sa pangyayaring ito kaya bilang babala
huwag masyadong kampanti palaging mag iingat nasa paligid lang sila....Hayyy!!! naku..... No

_________________
"The Prayers of a righteous man is Powerful and Effective"



AUSTRIA
CGP Le Corbusier
CGP Le Corbusier

Number of posts : 2421
Age : 37
Location : Abu Dhabi UAE
Registration date : 19/09/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Warning sa mag "Bakasyonistang OFWs "

Post by celes on Sun Aug 02, 2009 10:26 am

tfs dami tlgang mapagsamantala sa tin.

advice ko sa mga ganitong scenario - pag hinuli ka ng pulis "kuno" e di hige lang.. padala kayo sa presinto.. kulong.. kuha ng attorney. im sure malulusutan niyo pa rin yan. and ill bet within the day resolved na yang kaso. minsan kasi kelangan lang paunahan ng sindak. eh pag binweltahan mo ang mga yan baka sila pa ang umayaw.

saka sa tin naman - kahit kaya ka nilang iframeup or lutuin ang kaso.. napakadali din isuka yan. im sure meron din tayong mga kaibigan na makakatulong. read: padrino.

tsk.

celes
Pogi
Pogi

Number of posts : 2958
Age : 44
Location : Singapore
Registration date : 25/11/2008

View user profile

Back to top Go down

Re: Warning sa mag "Bakasyonistang OFWs "

Post by pakunat on Sun Aug 02, 2009 9:00 pm

tnx.

pakunat
CGP Expert
CGP Expert

Number of posts : 3866
Age : 35
Location : singapore
Registration date : 23/09/2008

View user profile http://www.3dppakunat.multiply.com

Back to top Go down

Re: Warning sa mag "Bakasyonistang OFWs "

Post by onzki on Mon Aug 03, 2009 12:00 am

Thanks for the info.. sakto, malapit narin ako umuwi Very Happy

onzki
CGP Newbie
CGP Newbie

Number of posts : 179
Age : 46
Location : PH, HK
Registration date : 05/05/2009

View user profile

Back to top Go down

Re: Warning sa mag "Bakasyonistang OFWs "

Post by qui gon on Sun Aug 09, 2009 11:24 pm

gosh!! andito me sa antipolo ngayon,san kaya dito nagyari yung event na ganyan. Question

qui gon
CGP Apprentice
CGP Apprentice

Number of posts : 498
Age : 38
Location : Antipolo, Hongkong, Qatar-Dubai-Bahrain
Registration date : 16/12/2008

View user profile http://lycan082678.multiply.com

Back to top Go down

Re: Warning sa mag "Bakasyonistang OFWs "

Post by Sponsored content Today at 9:38 pm


Sponsored content


Back to top Go down

View previous topic View next topic Back to top

- Similar topics

 :: General :: Tambayan

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum